AFTER ONE WEEK
Isang linggo na rin ang lumipas mula nung umalis si Gabby. Umalis siya nang hindi ko man lang nasasabi ang feelings ko para sa kaniya pero mabuti na lang at unti-unti na akong nakakamove-on.
Ngayon ay nandito kami ni Thina sa may bench malapit sa gym at nag-uusap tungkol dun sa last lesson namin na ite-test bukas.
Dito ko sinabing magreview kami kasi ito ang bench na laging inuupuan namin ni Gabby noon.
Napangiti na lang ako ng maalala ko na naman ang mga memories naming magkasama.
Nakakamiss...
"Let's start?" Tanong ni Thina at tumango naman ako as my response. "What is--" biglang nahinto sa pagbabasa si Thina ng makarinig kami ng sigawan na animo'y may artistang dumating.
Nagkagulo ang mga estudyante at nagpatuloy sa pagsigaw.
Naguluhan kami sa mga nangyayari.
Anong meron? Bakit sila nagkakagulo?
Tapos muli kaming nakarinig ng sigawan at isinisigaw nila ang pangalang naging dahilan para maagaw ang buong atensyon ko.
"Mr. Gabby! Mr. Gabby!" Sigaw nila.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo at pilit nilinga ang taong pinagtutumpukan nila.
"Myghad! Si Mr. Gabby daw dumating!" Kinikilig na sabi nung isang babae na dumaan sa aking harapan.
Akin iyong sinundan ng tingin at saka ibinaling muli sa nagtutumpukang mga babae.
Hindi ko ito makita kaya lumapit ako at nakita ko nga si Gabby. Laking tuwa ko ng magtama ang aming tingin kaya naman pumunta ako sa gitna na dadaanan niya para ako'y makita niya ng maayos pero snob niya lang ako. Nilagpasan niya lang ako ng tingin ng dumaan siya sa aking tabi. Galit ito at hindi ko alam kung bakit.
Napaisip tuloy ako.
Bakit? Bakit snob niya lang ako? Maayos naman kami nung umalis siya ah. Bakit parang galit siya sa akin ngayon?
Nawala lahat ng aking iniisip ng mapagtanto ko na pinagtatawanan ako ng lahat. Na kesho, pilingera daw ako. Napatungo ako hanggang sa hilahin ako ni Thina palayo doon at dinala sa dorm ko.
Napaiyak na lang ako habang inaalala ang mga pangyayari kanina.
"Grabe, parang wala kaming pinagsamahan nang makita niya ako kanina." Nangingiyak 'kong sabi tapos hinaplos ni Thina ang likuran ko para ako'y patahanin.
"Tahan na, malay mo...nagmamadali lang siya kaya hindi ka na niya nabati pa."
Baka nga pero...
...pero bakit ganun? Iba e.
*knock knock...
Bigla kaming napatingin sa aking pintuan ng marinig naming may padagasang kumatok roon.
Dali-daling binuksan iyon ni Thina at pinunasan ko naman ang mga luha ko sa mukha.
Pero bigla akong natigilan ng pagkabukas ni Thina ng pinto ay itinulak siya ng mga ito at dali-daling pumasok sa dorm ko at ako'y hinila palabas.
Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa. Hanggang sa dalhin nila ako dito sa isang abandunadong classroom at isinubsob sa sahig.
Aking nilingon ang mga taong gumawa nun at ako'y nabigla ng makita ko ang salitang SKALVA sa kanilang mga itim na jacket.
"Bakit ako nandito?! Wala akong kasalanan sa inyo!" Sigaw ko na ikinangisi nila.
"Sa amin wala pero sa nakatataas meron." Seryosong sabi nung isa na ikinakulo ng dugo ko.
"Wala akong kasalanan kahit kanino!" Giit ko pero hindi nila iyon pinansin at ang pinagtuunan ay yung babaeng ipinapasok sa abandunadong classroom na ito.
Sino yun?
Akin siyang pinakatitigan at kalaunan ay namukhaan din.
"Ate Sheena?" Gulat 'kong bulong sa aking sarili.
Potek. Siya nga!
"Ate!" Sigaw ko na naging dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Cherie tulungan mo ako." Pagmamakaawang sabi niya na ikinabigat ng dibdib ko.
Gusto man kitang tulungan ate, hindi ko kaya. Nakatali din ang aking mga kamay at paa.
"Wala kaming kasalanan sa inyo!" Sigaw ko na ikinainis nung isa.
"Inuulit namin, sa amin wala pero sa nakatataas meron."
"Wala nga akong kasalanan!"
"Sigurado ka?"
Bigla akong napatingin sa may pintuan ng may magsalita roon.
Halos manlaki ang aking mata sa aking nakita.
"Gabby?" Gulat 'kong sabi.
"Anong tawag mo sa'kin?" Seryoso niyang tanong na hindi ko na inintindi.
"Gabby tulungan mo ako. Wala akong ginagawa. Gabby parang awa mo na." Pagmamakaawa ko na ikinatawa niya lang ng mahina. "Gabby naririnig mo ba ako?!" Sigaw ko pero 'di man lang siya umiimik bagkus ay seryoso lang nakatingin sa akin.
Maya-maya pa lamang ay bigla itong lumabas na ikinanganga ko.
Gabby? Anong nangyari sa'yo?
"Gabby!" Sigaw ko na alam 'kong umalingawngaw sa buong silid.
Ibinaling ko na lang muli ang aking tingin sa ate ko na nakahiga na sa sahig.
"Ate 'wag kang mag-alala. Naniniwala ako, pakakawalan tayo ni Gabby." Pilit ngiti 'kong sabi pero hindi man lamang siya ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin habang namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Ate bakit ka ba nandito?" Alala 'kong tanong habang nakakunot pa ang noo.
"Hindi ko alam." Walang buhay na sagot ni ate tapos biglang may pumasok.
"Talaga ba Sheena?!" Galit na tanong nito.
"Gabby!" Pag-agaw ko ng kaniyang atensyon pero tiningnan niya lang ako ng masama.
"Ikaw!" Sigaw nito sa may mataas na boses habang nakaturo pa sa akin ang kaniyang kanang hintuturo. "Sinabi mo na tutulungan mo ako. Pero ano? Pinagkait mo sa akin ang kaligayahan ko Cherie! Ipinagkait mo! Akala ko kaibigan kita pero akala ko lang pala! Napakasama mo! Sabi mo wala kang kilalang Cuanco! Pero ano? Hindi mo sinabi sa akin na ang pamilya mo ay mga Cuanco! Tinraydor mo ako Cherie!" Nagtatagis na bagang na sigaw niya sa akin na ikinaluha ko.
Bawat salita niya ay pakiramdam ko'y binibiyak ang aking puso.
Ang sakit.
"Wala kang utang na loob!" Naluha siya ng hindi niya namamalayan. "Nung muntik ka ng magahasa, may nag-alarm hindi ba? Ako yun Cherie! Ako! Utang mo sa akin ang buhay mo! kasi kung hindi kita iniligtas noon, tiyak na papatayin ka nila pagkatapos ng pagtatangka sa'yo! Pinagbintangan mo pa ako kahit ako yung nagligtas sa'yo!"
Naluha ako.
Siya pala yun...
"Gabby, hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ko--"
"Magtutuos tayo bukas." Seryosong sabi nito sabay labas ng silid.
Gabby...
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
RastgeleMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...