AFTER A MONTH
Lumipas ang isang buwan at natutunan ko na ang mga bagay-bagay dito. Alam ko na rin kung sino ang mga dapat kaibiganin, kalabanin at iwasan. Pero minsan talaga hindi ko maiwasang masangkot sa away.
Akala kasi mga kung sino! Mayabang lang sila kasi mas nauna sila sa akin. Pwe!
...
Habang nagkaklase kami ay basta lang akong nakatingin sa labas ng bintana, inip na naghihintay na matapos ang boring na boring na boring na klase na 'to.
Kakabingi!
"Ms. Jaco"
Napatingin ako sa gurong nasa unahan ng tawagin niya ang apelyido ko.
"Please answer the questions on the board." Hindi ako kumibo bagkus ay tiningnan ko lamang siya na parang isang bagay. "Ms. Jaco!"
Still...
Nagtagis ang bagang nito pero ganun parin ako. "Ms. Jaco! Stand up!"
Tumayo na ako baka kasi mapatay ako nito ng wala sa oras e hshs.
"Naririnig mo ba ang mga sinabi ko?! Bakit hindi ka nagsasagot?!"
Pumikit ako at huminga ng malalim at saka nagmulat ng mga mata. "Hindi ko alam ang sagot." Seryosong sabi ko tapos bigla akong pinagtawanan ng lahat.
Alam ko naman na matatalino ang mga tao dito e, hindi ko naman ginusto na pumasok dito. Mga parents ko lang kasi talaga.
Bwisit
Nagpatuloy sila sa pagtawa hanggang sa mapatungo ako sa hiya.
"Bobo! Bobo!"
Kinuyom ko ang aking kamao.
Takte! Ayaw ko ng binubully ako!
...
Ending, nandito ako sa hulihan, nakatayo habang may nakapatong na tatlong libro sa magkabilang palad ko.
Nanatili ako sa ganitong posisyon hanggang sa matapos ang klase. Naglabasan na ang lahat ngunit ako ay ganito pa rin habang nakatungo.
Maya-maya pa lamang ay biglang may lalaking lumapit sa akin pero hindi na ako nag abala pa na lingunin iyon dahil unang-una wala ako sa mood. Nanatili akong nakatungo habang nakatingin sa sapatos nito.
Bigla na lamang akong natumba at napa-upo sa sahig nang bigla niya akong sapukin sa mukha.
Galit na nilingon ko siya at nagtagis ang bagang ko nang makita kung sino iyon.
Ang impakto!
"Ikaw?!" Sigaw ko na ikinangisi niya. "Kailan mo ba ako tatantanan?!"
Bigla itong lumapit sa akin na animo'y may ibubulong.
Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla sa kaniyang ginawa.
"Lakas magmatapang, bobo naman." Mahinahon na bulong nito sabay tayo at tangkang aalis na pero bigla ko siyang binato ng librong nakapatong sa mga palad ko kanina.
Natamaan ko siya sa may batok na naging dahilan para lingunin niya ako ng may galit na ekspresyon.
Hindi ako natatakot hshs.
Galit na lumapit siya sa akin at gigil na gigil na ako'y kinuwelyuhan.
"Pagbabayaran mo 'to, bobo!"
...
Habang naglalakad kami ni Thina pabalik sa aming mga dorm ay bigla siyang nagtaka na kung bakit daw ba ako nakahood gayong hindi naman gaanong malamig ngayon.
"Amm wala, natripan ko lang." Pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin sa kaniya pero bigla siyang pumunta sa aking harapan at saka pinakatitigan ng sobra.
"Cherie anong...bakit...ano yan? Napano ka?" Takang-taka na tanong niya habang nakatingin sa pasa sa aking mukha.
Nakita niya pala.
Hindi ako umimik.
"Cherie, bakit may ganiyan ka?" Tanong niya na halata sa tono ang pag aalala.
"Wala 'to."
"Cherie naman e, 'wag ka ng magsinungaling sa akin. Kaibigan mo ako kaya mapagkakatiwalaan mo ako." Pagpupumilit niya. "Please tell me."
"Okay fine." Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy. "Sinuntok ako ni Gabby."
Kumunot ang noo niya. "B-bakit? Paano?"
Kinuwento ko ang lahat.
"Anong ginawa mo pagkatapos ka niyang bulungan?"
"Binato ko ng libro."
"Ano?! Natamaan?"
"Oo sa may batok."
"Hala.."
"Tapos binantaan niya ako."
Nabuo ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Anong sabi?"
"Pagbabayaran ko raw yun."
Napaatras siya. "Cherie...ano na naman 'tong ginawa mo?"
"Tss, hindi naman ako natatakot e." Walang emosyon 'kong sabi tapos bigla niya akong hinawakan sa balikat habang nakatingin sa aking mga mata.
"Cherie, 'wag mo nang uulitin ang ginawa mong iyon. Mapapahamak ka. Banta yun, banta na isang mataas na alvanian ang nagbigay, hindi yun biro Cherie."
"Salamat sa concern Thina."
Salamat pero hindi ko talaga siya aatrasan. Pasensya na Thina.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami dito sa tapat ng isang bench.
Nahinto siya kaya nahinto rin ako. Tapos napansin ko na parang may hinahanap siya.
"Thina, may problema ba?" Alala 'kong tanong.
"Cherie may dala ba akong notebook nung lumabas tayo ng library?" Kunot noo niyang tanong habang inaalala ang kanina.
Napaisip din ako. "Parang wala, bakit?"
"Hala naiwan ko nga. Sandali lang Cherie ha, balik lang ako sa library. Naiwan ko yung notebook ko dun." Nagmamadali niyang sabi.
"Samahan na kita." Alok ko na 'di niya tinanggap.
"'Wag na, kaya ko na 'to. Intayin mo na lang ako dito. Mabilis lang." Sabi niya at tumango naman ako kaya tumakbo na siya palayo sa akin at nagtungo sa direksyon ng library.
Naupo ako sa kalapit 'kong bench at ipinakit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa aking balat.
Ang lamig, sarap sa pakiramdam.
Pakiramdam ko'y makakatulog ako nito. Nako, hindi yun maaari.
Tatayo na sana ako pero bigla 'kong naramdaman na may nagtakip ng panyo sa bibig ko.
Unti-unti akong nanghina and all went black...
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
RandomMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...