Bigla na lamang akong nagising ng maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Hinawakan ko ito habang inaalalayan ng isa 'kong kamay ang aking katawan na maka sandal sa headboard nitong kama ko.
Pagkasandal ko ay bigla namang naramdaman ko ang pagkirot nitong gasgas sa tuhod ko kaya naman aking tinanggal ang kumot sa aking katawan ngunit halos manlaki ang aking mata ng makita 'kong may pasa ang aking binti.
Dali-dali akong nagtungo sa harap ng aking salamin at tiningnang mabuti ang aking sarili.
Napahawak ako sa aking mukha.
May mga pasa ako.
Bakit may mga ganito ako? Saan ko ito nakuha?
Napaisip ako tapos biglang pumasok sa aking isip ang mga nangyari kagabi.
Habang humagulhol ako sa pag-iyak at hindi magkamayaw sa pagsigaw ay bigla na lang may mga lalaking pumasok sa classroom na aking kinaroroonan tapos....
Tapos...pinagbubugbog nila ako ng hindi ko alam ang dahilan. Pilit akong lumaban pero wala akong nagawa para ipagtanggol ang aking sarili.
Wala akong nagawa...
Bumalisbis ang luha sa aking pisngi.
Wala akong nagawa. Wala...
Dahan-dahan 'kong hinawakan ang mga pasa at maingat na hinaplos iyon.
Grabe, ano itong nangyari sa akin?
*knock knock
Bigla akong napalundag sa aking tayo ng bigla na lamang may kumatok sa pinto.
Mabilis na pinunasan ko ang aking mga luha na halos manuyo na sa aking pisngi.
Agad na tinungo ko ang pinto at pinagbuksan iyong kumakatok.
Bigla akong natigilan ng aking makita kung sino iyon.
Si Gabby...
Napatungo ako at iniiwas sa kaniya ang aking mukhang puro pasa.
"'Wag ka ng tumungo. Alam ko yan." Seryosong sabi niya na naging dahilan para mapatunghay ako at nahihiyang tumingin sa kaniya.
Pumasok siya ng kusa at saka isinara ang pinto. Napatingin na lamang ako sa kaniya hanggang sa tabihan niya ako dito sa sofa.
"Kamusta ka na?" Seryosong tanong niya sa akin na ikinangiti ko pero mapait.
"Medyo okay na pero...medyo kumikirot pa rin." Tatawa-tawang sagot ko pero nanatili siyang seryoso kaya umayos na lamang ako ng upo. "Amm paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa mga pasa ko?" Curious 'kong tanong habang paiwas ng tingin.
"Nabalitaan ko lang. Kalat na din kasi sa buong university."
Bigla akong natigilan.
Grabe, ang bilis namang kumalat.
Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa kawalan.
"Tara sa labas." Bigla akong napatingin sa kaniya ng ako ay kaniyang ayain.
Tinaasan ko siya ng kilay saka sinagot. "Sa lagay 'kong 'to? Sa tingin mo, sasama ako?"
Nanatili siyang seryoso. "Heto, isuot mo." Sabi niya sabay aro sa akin ng isang paper bag.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
De TodoMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...