CHAPTER 9

1.3K 41 3
                                    

KINABUKASAN


Pagkagising na pagkagising ko ay agad na naligo ako at inayos ang aking sarili at dali-daling nagtungo sa tagpuan namin ni Thina upang sabihin at ikuwento sa kaniya ang tungkol dun sa letter na natanggap ko kagabi.

Pero imbis na mag-alala ito ay sumisigaw-sigaw pa siya sa saya.

Blangkong napatingin na lamang ako sa kaniya.

Todo ngiti niyang hinawakan ang aking mga kamay sabay sabing. "Cherie ang swerte-swerte mo! Alam mo ba, pangarap yan ng bawat babaeng estudyante dito sa univeristy!"

"Pwes, ako hindi." Sabi ko na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"Cherie naman e, kakainis ka. Pumayag ka na, minsan lang yan sa buhay mo. Tsaka isa pa, nakasaad dito na hindi ka puwedeng humindi. You can't refuse nga daw oh."

Magsasalita pa sana ako pero biglang may lalaking estudyante ang lumapit sa amin.

"Kayo po ba si Ms. Cherie?" Tanong nito na ikinataka ko.

"Ako nga, bakit?" Pagbabalik ko ng tanong.

"Pinatatawag po kayo ni Mr. Ivhan sa dorm niya."

"Bak--"

Pero teka...Ivhan?

Tapos biglang naalala ko na nakwento na pala siya sa akin noon  ni Thina.

Magpapasama pa sana ako kay Thina para pumunta doon. Hindi ko kasi alam ang daan papunta dun pero nagpresenta na yung lalaking nagsabi sa akin kaya hinayaan ko na lang. Hinayaan ko na itong siya ang sumama sa akin kaya naman naiwan ko muna si Thina doon mag-isa.

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya naman napahinto din ako.

Nandito na yata kami.

Lumapit siya sa may pintuan ng katapat naming dorm kaya naman sumunod ako sa kaniya, sinenyasan niya ako e.

"Nandito na po tayo Ms. Cherie." Walang emosyong sabi nito sabay baling ng tingin sa pintong kaharap namin.

Iginaya ko din ang aking tingin.

Pipihitin ko na sana ang door knob pero inunahan ako nitong lalaki na aking kasama.

Walang buhay na napatingin na lamang ako sa kaniya at saka ibinaling sa loob nitong dorm.

Dahan-dahan akong pumasok at inilibot ang aking tingin sa kabuuan nitong silid pero biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita  ko na may babae at lalaking naghahalikan sa may sofa habang yung babae ay nakaupo sa hita nung lalaki.

Aalis na sana ako pero biglang may nagsalita.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako sa  direksyong pinagmulan nun at nagulat ako ng makita ko si Gabby sa may sulok nitong dorm.

"Pasok!" Seryosong sabi nito.

Dahan-dahan 'kong ibinaling ang aking ulo sa may pintuan at inihanda ang aking sarili para tumakbo ng mabilis pa sa alas kwatro. Pero bago pa man ako makahakbang ay bigla namang isinara nung lalaking kasama ko kanina ang pinto.

Napapikit na lamang ako at bumuntong hininga at saka lumingon sa impaktong nasa sulok.

"Bakit ako nandito? Ikaw ba ang nagpapunta sa akin ha?!" Matapang 'kong sigaw pero nginisihan lang ako nito sabay baling ng tingin sa dalawang naglalampungan sa sofa.

"Ivhan, tama na muna yan. Nandito na si Cherie." Sabi nito na naging dahilan para mapahinto ang dalawa sa ginagawa nila.

Eww...

Huminga muli ako ng malalim at saka  nagtitimping tumingin kay Gabby.

"Bakit ako nandito?!" Sigaw ko pero nanatili siyang seryoso.

"Because you are my slave." Mabilis na sagot nito na ikinataas ng kilay ko.

"Slave mong mukha mo!"

Nilampasan niya lang ako ng tingin. "Nakikita mo yang si Ivhan?" Tanong nito habang nakaturo dun sa dalawang nasa sofa. "Kasama niya si Karen na slave niya." Bumaling siya sa akin. "At ikaw ay akin."

Bigla akong natigilan.

"Ano?!" Nanlalaking mata 'kong sigaw na ikinataas ng kilay niya. "Eww! Hindi kita hahalikan noh!" Diring-diring sabi ko na ikinatigil niya.

"Bakit? Sa tingin mo ba, type kita? Hindi uy! Hindi ganiyan ipagagawa ko sa'yo, okay? 'Wag kang asyumera!"

Tss. Feeling naman 'to.

"Starting tomorrow, alipin na kita. Wether you like it or not, susunod ka sa gusto ko, kuha mo?!" Dagdag pa niya na ikinatawa ko.

"At sa tingin mo, susundin kita? Pwet mo!"

"Pag hindi mo ako sinunod, may mangyayari sa pamilya mo."

Bigla akong nakaramdam ng takot.

Oo matapang ako pero pagdating sa pamilya ko, mahina ako.

Naramdaman ko ang pangingig ng tuhod ko dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.

Ayaw ko man pero tangina para sa pamilya ko.

"Oo, oo papayag na ako basta 'wag mong gagalawin ang pamilya ko."

Napangisi ito. "Good."

Takte, bahala na 'to.

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon