CHAPTER 5

1.4K 47 0
                                    

Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata.

Nagulat ako sa aking nakita.

Nasaan ako?

Iginala ko ang aking tingin.

Maluwag ang lugar, walang mga upuan ngunit may lamesa sa likuran.

Tatayo sana ako pero biglang naramdaman ko na parang may pumipigil sa akin.

Napatingin ako sa aking katawan.

Bakit ako nakatali?

Nakatali ang aking buong katawan sa upuan na aking inuupuan.

Nabuo ang takot at kaba sa aking loob.

Napaisip ako at inalala ang maaaring maging dahilan para mapapunta ako dito.

Teka...

Kagabi, oo kagabi! Habang iniintay ko si Thina, biglang may nagtakip ng bibig ko tapos....

....tapos, hindi ko na alam.

Nawala lahat ng aking iniisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga kalalakihang may kani-kaniyang dalang baseball bat.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng mapagtanto ko na sa akin pala sila nakatingin.

Dumistansya sila sa akin ng ilang hakbang saka nag-usap-usap.

"Tutuluyan na ba natin 'to?" Mahinang sabi nung isa pero sapat para marinig ko.

"Oo sabi ni Boss Gab e."

"Sayang naman, maganda pa naman maging alipin 'to." Dagdag pa nung isa habang nakangisi sabay tingin sa akin kaya naman agad akong umiwas at nagpanggap na walang narinig.

"Wala tayong maggagawa, utos nga ni Boss Gab e." Pagpupumilit nung isa na medyo naiinis na sa  mga kasamahan niya.

Bigla akong napaisip.

Teka...tama ba ang narinig ko? Gab daw?

Bigla 'kong naalala ang mga kinuwento sa akin ni Thina noon.

---FLASHBACK---

"Skalva?"

"Oo nga pala, 'di mo pa alam ang tungkol sa kanila. Ang Skalva ay isa sa mga may matataas na posisyon dito. Skalva ang tawag sa kanila, short term for Skalvanians."

"Skalvanians?"

"Pinagsamang skull at alvanians. Skull o bungo symbolises DEATH and alvanians, term for Alva University students. It means...DEATH OF EVERY ALVANIANS."

"Ang jeje"

"Haha jeje na kung jeje. Tingnan natin kung masabi mo pang jeje pag natikman mo na ang hagupit nila. Cherie ito ang pinaka interesting sa lahat."

"Sige ano ba yan?"

"Yung lider nila, si Gabriel."

---END OF FLASHBACK---

Gabriel...Gabriel, siya nga!

Teka, binantaan ako ni Gabby kahapon.

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon