AFTER A MONTH
Isang buwan na ang lumipas mula nung maging assistant ako ni Gabby pero hindi ko akalain na makakayanan 'kong maging alipin ng tipaklong na impakto na yun.
Medyo na ha-handle ko na naman yun ugali niya pero minsan talaga...naiinis pa rin ako sa kaniya. Hindi maiwasan e.
Ngayon, habang nandito kami ni Gabby sa may canteen...kumakain.
Actually, siya lang naman ang kumakain as usual. Hindi naman kasi ito pumapayag na sabayan ko siya sa pagkain. Ewan ko ba kung bakit, baka sadya lang talagang maarte ang impaktong 'to.
Payapang pinagmamasdan ko siya habang kumakain siya ng pasta.
Ang bait niyang tingnan oh. Pero 'di yan mabait hshs.
Susubo na sana ito ng pasta pero biglang may waiter na lumapit sa amin habang may dala-dalang ice cream sa cup.
Napatingin kami pareho doon at dahan-dahang ibinaba iyon ng waiter sa aming mesa sabay sabing, "Here's your ice cream Mr. Gabby."
Pagkalapag niya nun at agad din itong umalis.
Napatingin na naman ako kay Gabby na kumukuha ng ice cream sabay subo sa kaniyang bibig.
Masarap siguro, ngumiti siya ng konti e.
Muli itong kumuha pero bigla akong nagulat ng i-aro niya sa akin ang kutsarang may laman na ice cream.
Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.
"A-ano 'to?" Uutal-utal 'kong tanong.
"Ice cream malamang. Bobo ka ba talaga?" Sabi nito na ikinairap ko.
"Hindi ako bobo!"
"Oh bakit ka pa nagtatanong e obvious namang ice cream to?"
"What I mean is...ba--" bigla akong napahinto sa pagsasalita ng bigla niyang isubo sa akin ang kutsarang kanina pa niyang inaaro sa akin.
"Oh ano? Masarap?" Tatawa-tawang tanong niya sa akin pero imbis na sagutin ko ay inirapan ko na lang siya. "Wuy! Tinatanong kita."
"Oo masarap. Oh ano? Happy?"
"Tss" sabi siya sabay singhal. "Oh sa'yo na." Dagdag pa niya sabay lapit sa akin nung ice cream.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami para maghanda palabas ng canteen pero bigla akong natigilan ng may matapon na kape sa blouse ko.
Napatingin ako sa taong gumawa nun. Kumulo ang dugo ko ng makita ko itong nangisi pa imbis na humingi ng pasensya.
Pinanlisikan ko siya ng mata at mas lalo akong nag-init ng panlisikan din niya ako.
Akmang susugudin ko na yung lalaki pero biglang hinawakan ni Gabby ang kamay ko. Pinatabi niya ako na ikinagulat at ikinataka ko.
Hinarap niya ang lalaking tumapon ng kape sa akin at tiningnan ng mariin. Napaatras ang lalaki ng makita si Gabby. Nabuo ang takot sa kaniyang mukha habang si Gabby ay seryosong-seryoso na nakitingin sa kaniya.
Kapagkuwan ay bigla na lamang itong tumakbo palabas ng kantina.
Hinawakan naman ako ni Gabby sa kamay sabay hila palabas.
Pagkalabas namin ay agad din niya akong binitawan at dire-diretsong naglakad.
Akin siyang hinabol at paulit-ulit na nagpasalamat ngunit hindi niya ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
RandomMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...