Chapter 3

2.5K 108 3
                                    

Alie POV

Magkakaharap kami ngayon sa living room habang nakaupo.

Kami...ibig sabihin kasama ang hindi inaasahang bisita.

Magkatabi kami ni Bakla sa mahabang sofa katabi ang inuupuang single sofa ni Snow at kaharap ang inuupuan ng aming bisita.

"By the way, I'm Panther...." huminto muna siya sa pagsasalita at isa-isa kaming tiningnan. "Panther Hale." pagpapatuloy niya sabay ngiti.

"Ihhhh!!!" parehong tili namin ni Bakla. Hindi ko alam pero automatic na naging alerto ang mga cells ko kapag kaharap siya. Nagsimula ito kanina ng makita namin siya sa harap ng pintuan.

"Pandak, kurutin mo nga ako. Baka nananaginip pa rin ako hanggang ngayon." bulong ni Bakla sakin.

"Bakla, baka panaginip talaga to. Saan mo naman makikita ang ganyang hitsura. Eh me ged Bakla!" bulong ko rin sa kanya. Sa sobrang kakiligan nakukurot ko ang braso ni Bakla, pero sobra rin ang kakiligan ng Bakla at hindi nararamdaman.

"Ahm, Papa..."

"Uy anong Papa ka diyan." putol ko sa sasabihin ni Bakla. Balak pa yatang lumandi agad eh. Dapat walang lamangan. Hihi

"Papa... kinuha ko lang sa first two letters ng name niya, then repeat. Masyado kang malisyosa." irap ni Bakla sakin.

"Sus kung hindi kita kilala, baka maniwala ako sayo." bulong ko ulit aa kanya.

"Manahimik ka diyan Pandak, interviewhin natin. Ang ganito kagwapo hindi pinapalampas." kinikilig rin nitong bulong sakin.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganito kami ngayon, kasi naman merong anghel na hinulog ang kalangitan sa aming harapan. Isang nilalang na nakakaakit kung tingnan. Kahit medyo magulo ang itim na itim niyang buhok, hindi pa rin yun nakabawas sa kanyang appeal, parang mas bumagay pa sa kanya yun. Mukhang natural rin ang kinis ng kanyang balat, yung hindi feminine tingnan, pero sobrang masculine, effortless siya sa katawan. Kahit simpleng Polo na nakatupi hanggang siko at pants ang suot niya, para pa rin siyang modelo na rarampa.

Mahahalata rin ang banyagang lahi nito dahil sa kulay ng kanyang mga mata. Parang yellow-green pero mas matingkad ang green na kapag tumitig sayo, pakiramdam mo malapit kana sa nature. Ganun ang feeling.

Malalantik rin ang kanyang pilikmata, pointed nose na bumagay sa mapupula niyang labi. Masasabi kong matipuno rin ang kanyang katawan dahil halata ito sa suot niyang Polo. Sobrang lakas ng kanyang dating na kahit hindi ko siya nahahawakan ay feel na feel ko ang hotness niya mula sa kanyang upuan hanggang sa inuupuan ko. Ang tindi Day.

Panther baby, bakit ngayon ka lang nagpakita.

"Hoy, natulala kana diyan." siniko ako ni Bakla.

Saka pa lang ako natauhan sa pagpapantasya. Pantasya na kahit sa height pa lang kitang-kita na ang aming pagkakaiba.

Juice ko, baka hanggang kili-kili niya lang ako. Swerte kung umabot talaga. Ang tangkad niya naman o maliit lang talaga ako.

"Anong height mo?" sambit ko.

"Uy bulinggit ka, anong pinagsasabi mo diyan?" alam niyo na kung sino yan.

Pero may narealize ako.

Nasabi ko ba ng malakas yun?

Bigla kong naitakip ang kamay ko saking bibig at nag peace sign, pacute style.

"Ahh hehehe, ang tangkad mo kasi. Nakaka-inggit." katwiran ko habang nakatingin kay Panther, with matching beautiful eyes. Hihihi

"Anyare sa mata mo, napuwing ka ba?" panira ng moment ang Baklang ito. Kaasar.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon