Chapter 36

1.5K 64 1
                                    

Leo POV

Today is my busy day. Ito ang araw para sa welcome slash dinner party ni Katie.

"Chef Lani, how's the dessert?" tanong ko sa isa kong staff.

"It's done Sir."

Ngumiti ako.

"Tina, how about the chairs and tables?"

"Done Sir."

Okay.

Malapit na rin akong matapos sa paghahanda ng mga pagkain.

...

...

Nakita kong paparating ang aking mga kaibigan kasama sina Katie.

"Hello." nakangiting bati ni Katie sakin.

"Hi, welcome." sagot ko rin ng nakangiti. "Nasaan ang iba?"

"Panther and Snow group are on their way." sagot ni Mattew.

"Who's Snow?" inosenteng tanong ni Katie.

"She's one of our friends." si Cross ang sumagot.

"Okay." nakangiti nitong sagot.

Inaya ko sila kung saan ang kanilang upuan.

Konti lang naman ang mga bisita kaya hindi masyadong crowded sa resto. Malawak rin ang resto kaya hindi problema ang space.

...

Huling dumating sina Panther kasama sina Snow, Allie and Barbie.

Napangiti ako ng matanaw sila.

Sasalubungin ko na sana ang Bestfriend ko pero napatigil ako ng makitang nagmamadaling sumalubong si Katie at yumakap kay Panther.

"Panther, I miss you." masaya nitong sambit hindi alintana ang mga kasama ni Panther.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Barbie at ang pagnguso ni Allie, habang si Snow wala pa ring reaksyon at deretsong pumasok sa loob.

"Bestfriend." bati ko at niyakap siya. "I miss you." panggagaya ko sa boses ni Katie.

Napansin ko pa ang simpleng pagtawa ni Barbie at Allie.

"Tropang Pogi, don't forget I'm the real Bff here." sambit nito.

Binitiwan ko si Snow at ngumiti lang kay Barbie.

"Oh. Em. Gee, I think I found my future with Leo pogi." natawa na lang ako sa sinabi niya. Alam kong nagbibiro lang siya.

...

Magkakasama kami sa iisang round table, katabi ko si bestfriend syempre. Next to her is Allie, Cross, Katie's Friends, Katie, Panther, Martin, Matthew and Barbie na siyang katabi ko sa kabilang gilid.

"Katie, I would like to introduce you to them." Martin said.

Masiglang nagpakilala si Katie sa lahat, ganun rin ang ibang nasa table, pero tahimik lang si Snow nang siya na ang magpapakilala. Hinihintay ng lahat na magsalita siya.

"Hello, what's your name?" nakangiting tanong ni Katie.

Tiningnan lang ito ni Snow pero hindi nagsasalita.

Alanganin namang ngumiti si Katie.

"N-nagagalit kaba?" nagbago ang masaya nitong mukha at may namumuong luha sa mga mata.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon