Chapter 27

1.6K 74 2
                                    

Panther POV

"She's something you won't expect her to be." napatingin ako kay Aniffe.

Nakatingin lang siya sa apat na humihingal dahil sa pagmamadali. Balewala rin silang naupo sa sahig.

"I know and that makes her interesting." sagot ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot kaya tumayo ako at lumapit sa apat.

Malamang may ginawa ang apat na to.

Habang nag-uusap kami, dumating naman sina Allie at Barbie pero natigilan ako ng makita nila si Aniffe.

"Princess." sambit ng dalawa.

Napatingin naman ako kay Aniffe pero nakangisi lang siya.
Bumalik ang paningin ko sa dalawa at tulala pa rin sila.

Imposible namang ki....

"Ahhhh...mukha siyang princess!!" tili ng dalawa

"My G pandak, mukha siyang prinsesa, magkasing-ganda kami."

"Bakla, masasaktan ka lang huwag ka ng umasa pa!" saway ni Allie sa isa. "Isa siyang Dyosa!" nakatitig nitong sambit sa kapatid ko.

Akala ko pa naman....

"Hello!" kumaway pa ang dalawa kahit ang lapit-lapit lang nila sa isa't-isa.

"Hi." ganting bati naman ni Aniffe.

"May jowa kana ba?" tanong ni Barbie na tonong lalaki.

Napakunot ang noo ko.

Hinampas naman ito ni Allie.

"Ouchie naman gurl."

"Nakakakilabot ka Bakla, gawin mo yan kung hindi ka nakasuot ng all pink!"

"Kasi gurl, parang natibo ako sa kanya."

Inirapan lang ito ni Allie pero muling ngumiti paglapat ng tingin kay Aniffe.

"We're going to eat." napatayo naman bigla yung apat na nakaupo sa sahig na siyang nagpatawa kay Aniffe. Napailing na lang ako.

"Aalis na rin ako. May kailangan pa akong puntahan." it's Aniffe.

"Hatid na kita sa labas." it's Snow.

"Be careful." bulong sakin ng kapatid ko bago nagtungo sa pintuan.

Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Sa paraan ng pagkakasabi niya parang may alam siyang bagay na paparating at dapat akong mag-ingat.

"Close na ba sila ng kapatid mo?" it's Martin.

"Kapatid mo siya?!!" sigaw naman ni Allie and Barbie.

"Bakit pinaalis mo agad. Gusto ko pa siyang titigan." it's Allie.

"Dapat sumama kana lang Liit." it's Cross.

"Huwag kang papansin, Manyak ka." nakita ko namang lihim na napatawa si Leo kaya siniko ito ng katabing si Cross.

"Kain na tayo." sabi ni Snow pagkabalik.

...

...

Tahimik sa hapagkainan, tanging tunog lang ng plato't mga kutsara ang naririnig. Kahit ang mga maiingay kong kaibigan ay napakatahimik. Pasulyap-sulyap sila sa pwesto ni Snow. Nae-extend ang table sa kusina kaya nagkasya kaming lahat. Katabi ko si Snow, then next to Snow is Allie and Barbie. Sa kabila naman ay katapat ko si Martin, then Matthew, Cross and Leo.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon