Chapter 35

1.5K 69 3
                                    

Panther POV

"Mr. Kim." sambit ko sa intercom na nagkokonekta sa secretary ko.

"Yes, Sir." bati nito pagkabukas ng pintuan.

"What happened to Mr. Pete?" inutusan ko siyang alamin kung bakit biglang umatras si Mr. Pete sa trabaho nito. .

"He's dead Sir." hindi na ako nagulat sa sinabi niya, pero gusto kong malaman kung paano.

"How?"

"His car exploded. According to the investigation, it was caused by a bomb, and they found out his illegal transactions."

"Okay." sang-ayon ko na lang. May ideya ako sa ginagawa ni Mr. Pete pero hinayaan ko na lang. "I want you to do something for me."

"Please do as you please, Sir."

"Gather all informations about this girl." I handed him a picture.

"Noted, Sir." sagot nito.

...

...

"Dude..." napaangat ang tingin ko mula sa binabasang papeles patungo sa taong pumasok saking opisina. "I found information about Shernon's maid." it's Martin.

Iniabot nito ang hawak na dokumento pagkalapit sakin. Kinuha ko naman yun at binasa, pagkatapos gulat akong napatingin sa kanya.

"She's not a maid Ther." patuloy nito. "She's disguising herself as one, but the truth is..." putol niya sa sasabihin, mataman siyang tumitig sakin. "...she's Shernon's twin sister."

Napaayos ako ng upo.

Matagal na pala namin siyang nakakasalamuha, pero hindi namin siya pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagpapanggap siyang katulong that time?" Martin said

Napaisip rin ako sa sinabi niya.

"Do you think the one who left the flower and Katie are the same?" muli niyang sambit.

"She got an amnesia. Imposibleng alam niya ang libingan ni Shernon." sagot ko

"Paano kung nagpapanggap lang siya na walang maalala pero may mga pinaplano siya? Remember the first time we got her message in my laptop? She want us not to interfere with her business."

May posibilidad ang sinasabi niya.

"Kailangan nating alamin kung totoong wala siyang maalala at kung ano ang mga pinaplano niya." sagot ko sa kanya. "Watch her closely."

Tumango lang siya bago umalis ng aking opisina.

...

...

Iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ni Martin sa opisina hanggang sa makarating ako sa bahay. Wala pang bukas na ilaw. Mukhang nalate sila ng uwi.

Napatigil ako sa paghakbang ng may maramdamang kakaiba sa loob ng bahay.

Kinalma ko ang aking sarili at mas pinatalas ang aking pakiramdam. May kakaiba sa paligid.

Muli akong naalerto ng may bagay na tutusok sa kamay ko bago pa mapindot ang switch ng ilaw. Sunod-sunod ang pag iwas ko ng sunod-sunod rin ang mga atake mula sa kung sino.

Salamat sa reflexes ko dahil nakaiwas ako sa mga bagay na yun.

Nagtatago lang ako sa likod ng sofa sa living room. Wala akong ideya kung saan nagmumula ang atake.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon