Chapter 24

1.5K 72 3
                                    

Third Person POV

Magkakasamang nagtungo ang grupo ni Panther sa lugar kung saan nakatira ang sinasabing kapatid ni Shernon.

"Tama ba ang address?" tanong ni Leo

"Dito na yun." sagot ni Martin

Pinagmasdan nila ang paligid. Hindi mahahalata na isa itong probinsya, sapagkat kung titingnan ang mga bahay ay mahahalata mong may mga sinabi sa buhay ang nakatira rito. Walang mga puno, para itong maliit na syudad.

"Excuse me." tawag pansin ni Matthew sa isang babaeng dumaan.

Tumigil ito at tinitigan sila isa-isa. Ngumiti ito.

"Bakit?" nakangiti nitong tanong kay Mat.

"Do you know Katie Mendez?"

Natigilan ito.

"Sino ba kayo?" seryoso nitong tanong.

"A relatives." sagot ni Mat.

Nakatingin at nakikinig lang ang iba sa pag-uusap ng dalawa.

"Marami ng nagpakilalang kamag-anak si Katie pero iba ang pakay nila." sabi nito.

Nagkatinginan ang grupo.

"Maaari mo bang sabihin kung saan siya nakatira?" tanong ni Martin.

Nag-aalinlangan ang hitsura ng babae.

"Babe, mapagkakatiwalaan mo kami. Sa mga hitsura ba namin mukha bang gagawa kami ng hindi maganda? Hmm?" the playboy attack. Inakbayan pa ni Cross ang kinilig na babae.

"Hihihi, h-halika samahan ko kayo." sagot nito at bahagyang inipit ang buhok sa teynga.

Nagngitian ang grupo.

May pakinabang rin pala ang pagiging playboy ni Cross. Sa isip nila.

...

...

"Aling Lilian! Tao po!" sigaw ng babae ng makarating kami sa hindi kalakihang bahay.

"Babe, sure ka bang dito na yun?" it's Cross na naka-akbay pa rin sa babae. Hinahayaan naman ito ng babae at halata ang kilig sa mukha nito. Mukhang tinamaan sa karisma ni Cross.

"Oo dito na yun. Baka umalis lang si Aling Lilian." sagot ng babae habang nakayakap sa beywang ni Cross.

Napailing na lang sila sa harapang paglalandi ni Cross.

"Aling Lilian!" muli ng tawag ng babae.

Narinig naming bumukas ang front door.

"Ayan na pala si Aling Lilian." sabi ng babae.

"Sino ba iyan huh?" sigaw ng boses mula sa loob.

"Aling Lilian, si Anie po ito. May naghahanap kay Katie. Mukhang mabubuti naman silang tao!"

Narinig nilang bumukas ang gate at bumungad samin ang isang matanda. Mukhang nasa 50's na ito.

Tumingin-tingin pa ito sa paligid bago pinapasok ang mga binata kasama na ang babaeng si Anie.

"Nasaan po si Katie?" tanong ni Anie. Hindi na naka-akbay sa kanya si Cross.

Hindi sumagot ang matanda.

Pinaupo naman nito ang limang binata sa upuang kahoy sa loob ng bahay. Old style ang tahanan nito. Hindi malaki sa labas pero malawak sa loob.

"Kukuha lang ako ng maiinom." paalam ng matanda.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon