Chapter 38

1.5K 70 1
                                    

Third Person POV

"Sino kayo? Bitiwan niyo ko!"

"Sino nag-utos sayo para pagtangkaan ang Royal Highness?"

"Royal Highness, my ass!" malakas itong tumawa. "Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko! Baka dito pa lang mawalan kana ng buhay!" gigil na sambit ng isa

"Payo lang kaibigan, sundin mo ang sinasabi ni second Knight, kapag nagkataon mas malupit ang sasapitin mo." sabi naman ng isa.

"Second Knight?" muling tumawa ang lalaking nakagapos. "Anong palagay niyo sa mga sarili niyo, nagsisilbi sa isang kaharian? Mga ulol, nasa democratic country tayo!" muli itong tumawa sa isiping nahihibang ang mga kaharap.

"First Knight, huwag mo akong pigilan mapapatay ko ang lalaking yan bago pa makarating sa ating kaharian!"

"Pwede mong bugbugin pero huwag mong papatayin." mahinahong sambit nito.

"Anong kalokohan to? First Knight? Second knight? Kaharian?" nalilitong saad nito. "Sino kayo?" muli nitong tanong ng makitang hindi nagbibiro ang mga kaharap.

"Isang malaking pagkakamali ang pagtangkaan ang Royal Highness, hindi mo alam kung anong kaparusahan ang naghihintay sayo."

"Wala akong alam sa Royal Highness niyo, hindi siya ang target ko!" katwiran nito

"Sinungaling!!" isang suntok ang pinakawalan ni Second Knight ng hindi na ito makapagpigil.

"Arghh!!!" daing ng lalaki

"Kitang-kita kung kanino nakatutok ang ginamit mong baril. Pinatay mo pa ang ilaw, walanghiya ka!!" muli nitong sinuntok ang lalaki.

"Arghh!!" namilipit ito sa sakit

"Ngayon sabihin mo samin kung sino ang nag-utos sayo." mahinahong saad ni First knight.

"Hindi ko kilala!!" sigaw ng lalaki. "Nakatanggap lang ako ng mensahe at pera sa account ko! Wala akong alam kung sino ang taong yun!!"

"Arghhh!!!" muli nitong daing ng sinuntok muli ni Second Knight.

"Tama na yan Second. Ikulong niyo muna yan. Kailangan kong magreport kay Superior sa nangyari."

Sinenyasan naman ni Second ang ilang kasamahang guards.

...

"Sa tingin mo sino si Superior?" maya-maya tanong ni Second Knight. Sila na lang dalawa ni First ang magkasama. "Natanggap natin ang mensahe niya kanina tungkol sa sniper, kung hindi ako nagkakamali nasa event rin si Superior."

"Tama. Siguradong isa siya sa mga tao kanina pero hindi natin alam kung sino."

"Minsan iniisip ko, maraming mata si Superior. Parang alam niya lahat ang pangyayari at mangyayari pa lang."

"Kaya siya ang Superior dahil sa kakayahan niya. Kaya't huwag mong pagdududahan ang kanyang kakayahan, baka mamaya kaharap mo na siya."

"Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan niya, gusto ko lang siya makilala."

Beeeppppp....

Isang mahabang tunog ang narinig nila kaya nagmadali silang nagtungo sa control room ng kanilang hideout.

"A new message received from Superior." pagbabalita ng incharge

"Open it now." command ni First

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon