Chapter 17

1.7K 93 10
                                    

Panther POV

Nang makita ko ang kalagayan ni Cross, hindi ko maiwasang magalit. Ayoko sa lahat sinasaktan ang pamilya ko. They are my family even we're not related by blood.

Sa pagkakataong yun hindi ko napigilan ang aking sarili. Lahat ng nahahagip ng aking atake ay hindi ko hinahayaang makatayo pang muli.

Pero isang pangyayari ang nagpabalik sa akin dahil sa naramdaman kong atake mula sa aking likuran.

"Sh*t."

The same scenario I was trying to forget.

FLASHBACK

Napalaban ang grupo namin sa isang Gang fight. We're in college that time.

Nagkukulitan kami ng grupo habang nagkukwentuhan palabas ng paaralan, pero may isang lalaki ang tumigil sa harapan namin at binigay ang isang papel. Binuksan ko ito at nanlamig sa aking nabasa.

"Shernon is in danger." sabi ko sa aking mga kasama.

Shernon is my bestfriend together with Mat, Martin, Cross and Leo.

Dali-Dali kaming nagtungo sa lugar na nakasaad sa sulat. Isang lumang warehouse hindi kalayuan mula sa aming paaralan.

"Narito na pala ang mga pasikat. Kamusta naman ang pagiging famous huh?"  narinig kong sabi ng leader ng gang na yun.

"Where's Shernon?" I asked.

"Huwag kang mag-alala, buhay pa siya." at nagtawanan sila.

Nanggigil ako sa sinabi niya.

"Hep." pigil niya sakin ng makitang susugod ako. "Huwag kang magpadalos-dalos, baka nakakalimutan mo, hawak ko ang buhay ng kaibigan mo."

"Pakawalan mo siya!" gigil kong utos sa kanya.

"At sino ka naman para sundin ko?" muli itong tumawa. "Kung gusto mo siyang makita, lumuhod ka muna sa harapan ko at mag-makaawa. Gusto kong makita ng buong campus na lumuhod sa akin ang hinahangaan nilang Famous Good Looking Man, para ako naman ang tingalain nila." pinakita pa nito ang camera at mas lumakas ang tawa nito.

Balak niya akong kuhaan ng video.

"Ilabas mo siya!"

"Okay, yan pala gusto mo. Ilabas niyo na yan!"

Nakita kong papalapit ang dalawang lalaki bitbit ang duguan at nakataling lalaki.

"Shernon!!" sambit naming lima

"Walang hiya ka. Anong ginawa mo sa kaibigan namin?" Leo said.

"Kung ano ang balak kong gawin sa inyo ngayon." sagot nito na muling tumawa. "Sugurin ang mga yan!!"

Nagsimula ang pakikipaglaban namin. Alam kong dehado ang aming grupo. Bukod sa napakarami ng kalaban, hindi pa kami ganun kalakas para maubos sila.

Nagawa kong makalapit kay Shernon at inalis ang pagkakatali sa kanya.

"Dude." tapik ko sa kanya. Hindi na niya masyadong maimulat ang kanyang mga mata dahil sa bugbog.

"Ther." ngumiti pa siya.

"Don't talk. Dadalhin kita sa hospital." inalalayan ko siyang makatayo, hahakbang na sana kami ng maramdaman ko ang sakit sa aking likuran. Dahilan para madapa ako.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon