Epilogue

3.3K 184 36
                                    

Barbie / Mush POV

"Guys let's go!" sigaw ko sa aking mga kasama

"Sigurado ka bang ngayon ang bisita niya sa bansa?" Allie said

"Itanong mo diyan sa Bebeloves mo, siya ang nakakausap eh."

"Sigurado ako, ngayon siya darating." sagot ni Cross.

Apat na taon na ang nakalipas pagkatapos ng laban nila. Maswerteng nakaligtas ang lahat.

"Si Snowy ba kasama?" tanong ni Aang.

Aang and Matthew are going strong. Biruin mo nga naman nagkasundo rin ang dalawa.

"Walang sinabi si Bff, baka sumulpot na lang yun dahil narito na si Panther."

Yes, si Panther ang susunduin namin sa airport.

"Sayang naman, miss na miss ko na si Snowy." nakangusong sambit nito.

"Tara na. Baka maunahan tayo ng mga reporters dun." sambit ni Leo.

"Nagawan ko na ng paraan ang balita tungkol sa oras ng pagdating niya." sabi ni Martin. "Pero siguradong may maagap na reporters ang mauunang dumating sa airport."

"Bakit ba kasi kailangan pang i-broadcast ang pagbisita niya sa bansa. Nahihirapan tuloy tayong itakas siya." reklamo ni Vivian.

Hindi pa rin nawawala ang pagkamasungit nito.

"Babe, may meeting siya sa Presidente ng bansa kaya kailangan nakabroadcast." sagot ni Martin.

Pero nagkaroon rin ng resulta ang panliligaw ni Vivian kay Martin. Hindi namin inakalang magagawa ni Vivian ang lahat ng yun kay Martin. Ang katwiran niya, maraming pagkakataon ang nasayang sa kanilang dalawa. Nakuha rin niya ang loob ng mailap na si Martin.

"Ano bang kailangan nating dalhin? Kailangan ba ng banner?" tanong naman ni Vishna.

"Sweetcake, huli na para sa banner. Aalis na tayo." natatawang sagot ni Leo.

Sa wakas nagkasundo rin ang dalawang yan. Aso't-pusa pero sila rin pala ang magkakatuluyan sa huli.

Nakakainis lang tingnan dahil lahat sila may partner, ako lang ang wala.

"Bakla, nguso mo. Inggit kana naman noh?" biro sakin ni Allie habang patungo kami sa sariling mga sasakyan.

Syempre magkakasama ang couples.

Nagkita-kita kami dito sa bahay namin. Yung bahay na tinutuluyan naming apat. Dito na palagi ang meeting place ng grupo.

"Ano pa nga ba, ako na lang palagi ang out of place sa inyo."

Magkatabi lang ang kotse namin ni Cross kung saan sasakay si Allie kaya magkausap pa rin kami. Yung iba nakasakay na sa kani-kanilang sasakyan.

"Pansinin mo na kasi si Annie, mabait naman siya." biro nitong muli.

You heard it right. Annie the bruhildang friend ni Katie. Palagi niya akong kinukulit.

"Hindi kami talo gurl..." irap ko sa kanya. "Mas type ko si Hector pero may Zhania na siya, kaya stop ang beauty ko."

"Kadiri ka talaga. Nawili ka naman sa pagbabalat-kayo mo. Balatan kaya kita para lumabas ang tunay mong kulay."

"Tse, bahala ka diyan." sabi ko at sumakay sa aking sasakyan.

...

...

Habang nasa byahe naaalala ko ang nangyari sa huli naming laban.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon