Chapter 34

1.5K 74 3
                                    

Third Person POV

Isang tawag ang nagpagising kay Leo mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Hmmm..." sagot niya habang nakapikit.

"Dude Leo, buksan mo ang TV at manood ng news!" bahagya niya pang nailayo ang cellphone sa kanyang teynga sa lakas ng boses nito.

"Cross dude, ano bang meron?" tinatamad niyang sagot habang umaalis sa higaan.

"Basta dude, malalaman mo rin. Bilis."

Napakamot na lang siya sa batok ng binaba ni Cross ang tawag.

Humihikab pa siyang umupo habang hinihintay magbukas ang TV.

Larawan ni Matthew at isang faceless pigure ang bumungad sa kanya na may title na...

Klein Group of Companies is the new partner of CIS Empire.


"Sh*t." nabuhay ang cells niya sa napanood.

Tinawagan niya ang numero ni Matthew, pero hindi niya makontak. Mukhang busy ang sleepy head dahil sa achievement niya ngayon. Alam niyang magaling na business man si Matthew pero currious pa rin siya kung paano nito nakuha ang deal between CIS Empire.

Ibang level talaga ang kaibigan niya.

Tinawagan niya na lang si Cross.

"Dude, let's celebrate at NPC tonight." excited niyang paanyaya sa kaibigan. "Call the others."

...

...

"Sir your Father is he...."

"Son!!" hindi natapos ng secretary ni Matthew ang sasabihin ng excited na pumasok ang Ama sa kanyang opisina. "Congratulations, I'm so proud of you." lumapit pa ito kay Matthew at niyakap siya sa unang pagkakataon, pero hindi siya natuwa sa ginawa nito.

Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa pagtatrabaho. Katatapos lang ng kanilang press conference kasama ang representative ng CIS Empire.

"Hindi talaga ako nagkamali sayo!" proud nitong sambit na hindi niya pinapansin. "Let me see the contract." napa-angat ang tingin niya sa Ama.

"I can't." maikli niyang sagot.

Nawala ang ngiti sa labi ng Ama.

"What did you say?"

"I can't let you see the contract." ulit niya sa sinabi.

Blagg!!!

Hindi niya pa rin pinansin ang Ama kahit malakas nitong hinampas ang kanyang mesa.

Binaba niya ang hawak na papeles at muling tumingin sa Ama.

"If anyone saw the contract, it will be automatically invalid." tumuwid siya ng upo. "Now choose, do you want to see the contract then put my effort into waste or let it be?"

Umayos ng tayo ang kanyang Ama.

"I'm warning you, Son. Don't make any wrong move or else..." bahagya itong yumuko at lumapit sa kanya. "You're friends will suffer." huli nitong sambit bago lumabas ng opisina.

Nasapo ni Matthew ang sintido dahil sa stress.

Kinuha niya ang copy ng contract at muling binasa. Napangisi siya ng matapos.

"Let see."

...

...

...

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon