Chapter 31

1.5K 78 3
                                    

FLASHBACK CONTINUATION 2

"Dude's, let's go clubbing later." paanyaya ng isang lalaki sa iba pa.

Anim na kalalakihan ang pinagmamasdan ni Crystal hindi kalayuan, pero sa isang pigura lang siya nakatingin.

Shernon Acer Sierezan

"I'm in." sang-ayon ng isa.

"Okay, let's go together." nagkatawanan pa ang anim.

...

Ilang buwan na rin niya pinapanood mula sa malayo ang lalaki, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya magawang lumapit dito. Nawawalan siya ng lakas ng loob.

Sinusundan niya ito kahit saan magtungo, nakabisado na niya ang routine nito maging ang pangalan ng mga kaibigan nito. Dahil hindi naghihiwalay ang anim, naging malapit sa kapahamakan ang mga ito dahil sa banta sa buhay ni Shernon. Sa halip na patayin ang lalaki, naging lihim na tagapagligtas siya ng grupo. Kahit wala pa rin malinaw na paliwanag kung totoo niyang pamilya ang lalaki.

...

...

Isang gabi napagpasyahan niyang pumasok sa tahanan ng lalaki. Mahigpit ang security pero balewala sa kanya. Masyadong malaki ang bahay para sa isang tao lang, ngunit makikita namang halos mapuno ang paligid dahil sa dami ng gwardiya.

Napasok niya rin ang kwarto ng lalaki. May konting liwanag ang tumatanglaw sa kwarto mula sa sinag ng buwan na pumapasok sa bukas na bintana. Masyadong pabaya ang lalaki upang hayaang bukas ang bintana, lalo pa't maraming nagtatangka sa buhay nito. Lumapit siya sa bintana upang saraduhan ito pero isang larawan ang kumuha ng pansin niya. Nakasabit ang larawan sa dingding, katulad ng larawang matagal na niyang tinatago. Lumapit siya dito at pinagmasdan ito.

A perfect family.

Kumirot ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang portrait. Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang pigura sa kanya.

"Don't move." naalerto siya ng marinig ang baritonong boses at maramdaman ang isang bagay na nakatutok mula sa kanyang likuran.

Hindi siya kumilos at nanatiling alerto.

"Finally you showed up." muli nitong sambit.

Kung ganun alam niyang nasa paligid lang siya. Napangisi si Crystal sa isiping yun. Not bad for him.

"I knew your presence eversince and waiting for you to appear. Your like a shadow every morning but disappeared every night." tumawa pa ito ng pagak. "But the thing is, your hiding in the darkness."

"I want to see your face, Shadow." nagulat siya sa tinawag nitong pangalan niya. "Face me." maotoridad nitong sambit.

Dahan-dahan siya nitong hinarap. Nakahanda na siyang agawin kung ano man ang hawak nitong nakatutok sa kanya.

Ngunit natigilan siya ng makita ang hitsura ng kaharap.

He's crying.

"How are you my twin sister?"

Natigilan siya sa narinig, lalo na ng maramdaman ang yakap mula sa kaharap.

"I've been waiting for so long. I never give up that one day you showed up. And here you are." narinig niyang sambit nito habang yakap siya at umiiyak.

Hindi siya nagsasalita pero naramdaman niya ang sunod-sunod na patak ng luha sa pisngi niya.

She's crying.

"I'm sorry, I can't do anything to protect you. I'm so sorry." naramdaman niya ang sakit na dinadala nito. "If I'm strong enough, I would never allow them to harm you. I'm sorry." mahigpit ang yakap nito sa kanya.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon