Chapter 21

1.6K 76 2
                                    

Third Person POV

Maagang pumasok si Matthew sa kanyang opisina. Bukod sa pamamahala ng napakalaking kumpanya, tumutulong rin siya sa paghahanap kay Shadow.

Wala pang mga empleyado ng dumating siya. It's 6:00am only in the morning. Tanging guard lang ang bumati sa kanya at ilang utility staff na sadyang maaga ang pasok para maglinis.

...

Pagkarating ng kanyang opisina, inasikaso niya ang mga papeles na kailangan pirmahan dahil makikipag meeting siya sa mga inutusan niyang maghanap kay Shadow by 10:00am.

Habang focus sa binabasa, narinig niya ang lagaslas ng tubig sa restroom.

Dahan-dahan siyang nagtungo roon. Bukas ang pintuan at bahagya niya itong ini-awang at sinilip ang loob upang tiyakin kung sino ang nag lakas loob pumasok sa kanyang opisina.

Nakita niya ang isang babaeng may utility uniform.

Bakit narito ang isang staff?

Head lang ang pinapayagan niyang pumasok at maglinis ng kanyang opisina.

Napakunot ang noo niya ng makitang ibinuhos nito ang lahat ng liquid sa bowl. Tapos ay nag-flush.

Kinuha naman nito ang isang mop at nag-mop ng sahig.

"Mas mabilis kang matatapos sa'yong trabaho kung hindi mo ako papanoorin... "

Nabigla ako ng magsalita siya.

Alam niyang may nanunuod sa kanya? Pero nakatalikod siya sakin.

"...Sir." she's the same girl yesterday at the lobby and at Leo's restaurant. The ghost girl.

"You're not supposed to clean here." sabi ko sa kanya.

"But I'm doing it now." sagot niya.

Wala talaga siyang modo.

"Finish what you're doing and let's talk." sabi ko sa kanya at iniwan siyang naglilinis ng banyo.

...

...

Maya-Maya natanaw na niya ang babae papalapit sa kanya.

"What's your name? Where's your resume?" panimula ko.

"You should ask your Utility department head." sagot niya

Napakunot ang noo ko.

"Do you know who I am?" seryoso kong tanong para ma-intimidate siya.

Ngunit hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong emosyon.

"Chief Executive Officer Mr. Matthew Klein." sagot niya

"Right. So walang sino man ang maaaring mag-utos sakin sa loob ng gusaling ito. Understand?" seryoso kong sabi.

Lumikot ang mata nito. Bago sumagot

"Okay." simple nitong sagot na nagpakulo sa dugo ko.

Ang lakas ng loob niyang hindi ako tawaging Sir. I'm the boss here.

"Bilang empleyado ko, dapat mo akong tawaging SIR sa bawat kasagutan na tinatanong ko sayo. Maliwanag?" ayoko sa lahat yung hindi disiplinado.

"Daming arte."

"What did you say?" hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito.

"Okay.. SIR." sagot niya na binigyan diin ang salitang gusto kong marinig mula sa kanya.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon