Chapter 45

1.9K 72 1
                                    

Cross POV

"Lo.!" sambit ko pagkabukas ng kwarto niya sa hospital na pinagdalhan sa kanya.

"Cross, apo. Looking good as ever, Apo." nakangiti nitong sabi habang nakahiga.

"How are you?" tanong ko ng makalapit sa higaan niya.

Umupo ako sa silyang naroon.

"Ayos lang ako, don't worry Apo."

"Anong sabi ng doctor?"

"Ayos lang siya at pwede na rin siya ilabas ngayon." narinig kong boses mula sa pintuan.

"Red?"

"Long time no see couz." nakangiti nitong bati.

"Bro! Kailan kapa dumating?" tanong ko sa kanya

Matagal na itong hindi umuuwi ng bansa, kaya't nagulat ako na narito siya ngayon.

"Last month pa, masyado lang naging busy kaya't hindi kita napuntahan."

Masaya ako dahil muli kaming nagkita.

"Anyway, mabuti ikaw ang kasama ni Lolo, akala ko kung napano na siya."

"Nasa opisina niya ako ng mangyari yun. Hindi daw naman malala sabi ng doctor. Napagod lang siya at kailangan ng pahinga."

"Hindi na ako bumabata mga Apo, kaya pagpasensyahan niyo na ang Lolo." sabi naman ni Lolo

"Ayaw mo kasing maniwala samin Lo, dapat magpahinga kana lang." sagot ko

"Naayos ko na ang discharge papers ni Lolo, anytime pwede na tayong lumabas."

"Gusto kong sa mansyon magpahinga." sambit ni Lolo

"Pero Lo, napakalayo nun. Kaya mo bang magbyahe ng matagal?"

"Pinaalam ko na rin yan sa doctor, wala daw problema basta marahan ang pagmamaneho at komportable ang upuan niya." sagot sakin ni Red

"Masarap ang simoy ng hangin sa mansyon. Makakapagpahinga ako ng maayos dun."

"Ihahatid na lang kita sa mansyon, then saka ako babalik ng syudad."

"Cross apo, alam kong napakabusy mo rin. Kasama ko naman si Red."

"I insist Lo, kasama ko naman si Martin, nasa labas lang siya."

"Okay, ikaw ang bahala."

...

...

Convoy na lang kami ng sasakyan ni Red kung saan nakasakay si Lolo.

"Hindi maganda ang kutob ko." sambit ni Martin sa katabi ko.

"Masyado ka lang napapraning." biro ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin.

...

...

"Nakakamiss rin ang lugar na to." sabi ni Red

"Like the old days diba?" sagot ko sa kanya

"Naalala kong dito pa kayo naghahabulan sa hardin na to. Napakabilis ng panahon." nakangiting sabi ni Lolo.

Inaalalayan namin siya ni Red.

"Pumasok na tayo, para makapagpahinga kana rin Lo." sabi ko.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon