Chapter 41

1.6K 77 5
                                    

Matthew POV

Kahit magulo sa living room doon pa rin kami nanatili habang pinapakalma ang dalawa.

"Bakla, ang sakit pa rin ng puso ko!" iyak ni Allie

"Ako rin, hindi ko akalain na ganun ang naranasan niya!" iyak din ni Barbie.

"Sana natulungan natin siya!" iyak ulit ni Allie.

"Gusto kong yakapin si Bff!"

"Pwede bang tumahimik kayong dalawa? Bakit ba kayo narito?" naiinis na tanong ni Cross.

Uminom muna ang dalawa ng hinanda naming tubig. Suminghot at suminga pa ang mga ito sa binigay naming tissue.

"Kadiri kayo." reklamo ni Cross.

Pinakalma muna ng dalawa ang isat-isa bago magsalita.

"Pinapunta kasi kami ni Snow dito."

"Paano niyo nalaman ang lugar na to?" tanong ni Martin.

"Matagal na namin itong alam noh." sagot ni Allie

"Sino kayo at anong kinalaman niyo kay Snow?" seryosong tanong ko.

Napatingin ang dalawa sakin. Napansin kong sumeryoso ang dalawa.

"I'm Lotus and he's Mush short for Mushroom. Kasama kami sa nailigtas niya sa Isla." sambit ni Allie.

"Kung ganun, kayo yun? Yung tumulong samin noong nabihag si Cross?" tanong ni Martin.

"Yeah." Allie said

"Then your not a real gay?" muling tanong ni Cross kay Barbie.

"It depends on the situation." sagot nito kay Cross

"Isla?" tanong kong muli sa narinig mula sa kanya.

"Nasa tagong Isla kami nakulong or let say tinetrain para maging assassin. 6 months after ng mission ni Crystal or Snow kumalat ang balita na napatay siya tulad ng mga naunang humawak ng mission na yun."

"Anong mission?" I asked again

"To kill the Sierezan heir. Shernon Acer Sierezan." nakikinig lang kami sa sinasabi niya. "Na ngayon ko lang nalaman, kakambal niya pala." naiyak na naman ito pero agad pinunasan ang tumulong luha. "May ideya na siguro kayo kung sino siya." tumango lang kami. "Pero after a year may sumugod sa Isla at nagulat kami ng makitang buhay siya pero malayo sa dating pagkatao niya. Mas nakakatakot ang bago niyang katauhan." patuloy nito sa kwento.

"That time, marami ang gustong maging pinuno siya dahil nailigtas niya ang karamihan sa mag-aaral pero malas lang at wala noon ang mga pinuno sa Isla." si Barbie or Mush ang nagtuloy ng kwento. "Matagal niyang pinag-aralan ang bawat isa sa kalaban, maging kami ganun rin ang ginawa. Bawat part time job ay misyon namin."

"Anong ibig mong sabihin?" si Cross ang nagtanong.

"Lahat ng trabahong pinasukan namin ay may mga impormasyon kaming nakukuha..." Allie said.

Ngayon nasagot na kung bakit ayaw nila ng permanenteng trabaho.

"...maging ang punot-dulo ng lahat." tumingin ito kay Cross

"H-hey bakit ganyan ka tumingin? Wala akong kinalaman diyan ah." sabi nito sa babae.

"Hindi ko naman sinabi na ikaw. Utak manyak talaga."

"Bakit niya kayo pinapunta rito?" tanong ko na lang.

Nagkatinginan ang dalawa na parang ngayon lang may naalala.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon