Chapter 26

1.5K 83 4
                                    

Leo POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok sa kusina.

"Parang nakakita ka ng multo. Ano bang nangyari sa inyo?" tanong ng bestfriend ko.

"Alam mo bestfriend, hindi mo kilala ang babaeng yun. Huwag kang magpapaloko sa hitsura niya. Sa likod ng mala-anghel niyang mukha ay ang pangdemonyo niyang ugali. Sigurado bang wala siyang ginawa sayo?"

Umiling lang siya habang naglalabas ng mga sangkap na lulutuin mula sa kanilang refrigerator.

"Hindi talaga ako makapaniwala na narito siya. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita, pero yung epekto niya ganun pa rin." totoo ang sinasabi ko. Ganun talaga ang epekto ng kapatid ni Panther samin. Siguradong naiihi na yung tatlo dahil sila ang kasama nito sa labas.

"Mabait naman siya." sabi nito na hinuhugasan ang mga gulay na galing sa ref.

"Bestfriend, hindi mabait ang babaeng yun." sabi ko at kinuha ang ibang sangkap na kailangan balatan.

"She's kind. Wala naman siyang ginawa sakin."

"Yun nga ang pinagtataka ko, mabuti wala siyang ginawa sayo."

"Bakit, gusto mo bang may gawin siya sakin?"

"Bestfriend naman. Syempre hindi." lumapit pa ako sa kanya. "Brutal ang babaeng yun, baka hindi kana sikatan ng araw kapag may ginawa siya sayo. Kaya lubos akong nagpapasalamat na wala siyang ginawa sayo." kumindat-kindat pa ako habang hawak ang isang patatas.

"Bakit ba takot na takot kayo sa kanya?"

Kinilabutan naman ako ng maalala ang pangyayaring yun.

"May isang pangyayari kasi na kailangan subukan ang aming kakayahan."

"What do you mean?"

"Aist.. Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko, pero naospital kami dahil sa kanya."

"She's crazy." natatawa niyang sagot

"Oo, may pagkabaliw ang babaeng yun. Dapat sa kanya nasa mental."

"Hindi mo siya ginagalang sa sinasabi mo." sabi niya.

"Oh sorry, hindi naman niya nariri....wait...paano mo...."

"Mabuti na lang nakaalis tayo dun. Nakahinga na ako ng maluwag." naputol ang sinasabi ko ng marinig ang boses ni Cross kasunod ang dalawa papasok sa kusina.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko naman.

"Dito na lang kami. Nakakasakal sa labas." wika ni Martin.

"Ang lakas talaga ng prisensya ng kapatid ni Panther. Pakiramdam ko naubusan ako ng hangin sa katawan." reklamo naman ni Cross.

"Wala pa siyang ginagawa nun ah." muling sambit ni Martin.

Habang si Mat naman ay tahimik lang na nakatingin kay Snow, at si Snow na hindi pinapansin ang reklamo ng mga bagong dating.

Hinarang ko ang aking sarili sa paningin ni Mat.

"Dude, matunaw." biro ko sa kanya.

Hindi naman ito nagsalita at umiwas lang ng tingin.

"Malaki pala ang bahay niyo Snow. Baka pwede dito na rin ako tumira." it's Cross. Damoves na naman ang playboy.

"Dude, huwag mong gawin ang ganyang moves sa bestfriend ko." kontra ko naman.

"Paano naman kayo naging mag-bestfriend? Ikaw yata ang dumidiskarte sa kanya eh." sumbat nito sakin.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon