Chapter 22

1.6K 94 0
                                    

Third Person POV

"Ayyy, ano ba yan?" sabi ng isang costumer na nakasaksi sa nangyari.

"Diba siya yung anak ni Gov.? Grabe ang sama pala ng ugali niya." sambit ng isa pa.

"Eskandalosa pala yan."

"Nakakahiya naman."

Iba't-ibang reaksyon ng mga tao sa paligid.

Natahimik si Vishna at muling tiningnan ang mga tao sa paligid.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" pero nanaig ang pagkamaldita nito.

"Are you okay?" tanong ng taong humarang sa gitna nila at tinamaan ng tinapong juice ni Vishna.

"Tsk." sagot ni Snow.

"Hindi ka man lang humanga sa pagiging gentleman ko?" nakangisi nitong tanong.

"No." maikling sagot ni Snow.

"Ano ba yan. Feeling ko pa naman sobrang gwapo ko dahil sa ginawa ko pero hindi mo man lang na-appreciate? Grabe ka." nakanguso nitong sabi.

"Ahmm... Leo. Babe." tawag pansin ni Vishna.

Tama. Si Leo ang taong humarang sa muntikang pagkabasa ni Snow.

Tumikhim si Leo at pumormal ang hitsura bago humarap sa babaeng kanina pa siya hinahanap.

...

...

...

Leo POV

Sinadya kong hindi lumabas dahil lang sa utos ng isang babae. Iba kasi kapag gwapo, daming chix. Hahaha. Pero iba itong si Vishna kung makahabol, hindi ako tinatantanan.

Kung si Panther may obsess na Vivian ito naman sakin si Vishna. Talagang habulin kami ng mga babae. Huwag na kayong magtaka.

"Chef, nagwawala na po si Ms. Vishna, kausap niya si Snow." sabi ng isa kong crew.

Isa pa itong si Snow. Hindi naman siya regular sa resto, kailangan ko lang talaga ng manpower tapos nag-apply siya. Nakilala ko na rin naman siya kahit walang formality, tinanggap ko na. Pansamantala lang naman.

Lumabas na ako para mapigilan ang pagwawala ng babae. Sakto namang sasabuyan niya ng juice si Snow. Dahil gentleman ako, hinarang ko ang aking sarili para kay Snow.

"Are you okay?" tanong ko kay Snow kahit alam kong wala naman nangyari sa kanya. Ganyan talaga kapag gwapo at gentleman.

"Tsk." napangiti ako. Nakakatuwa talaga ang pagiging emotionless niya.

"Hindi ka man lang humanga sa pagiging gentleman ko?" nakangisi kong tanong.

"No." mas lumaki ang ngisi ko. Kakaiba talaga siya.

"Ano ba yan. Feeling ko pa naman sobrang gwapo ko dahil sa ginawa ko pero hindi mo man lang na-appreciate? Grabe ka." nakanguso kong sabi. Kunwari tampo ako baka effective. Pero mukhang hindi rin.  Walang nagbago sa expression niya.

"Ahmm... Leo. Babe." narinig kong tawag ng babae sa aking likuran.

Tumikhim ako at pumormal ang hitsura bago humarap sa babae.

"Babe, sabi ko na hindi mo rin ako matitiis eh." tuwa nitong sabi at lumapit sakin. Akmang yayakapin ako pero mas mabilis akong kumilos.

Hinila ko si Snow palapit sakin at niyakap siya sa harapan ng babae.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon