Chapter 14

1.8K 88 2
                                    

Panther POV

I can't take this anymore.

It's hard to forget this pain. I can't bear with it.

I want to end it here.

Malakas ang simoy ng hangin. Malakas na hampas ng alon.
Malakas na kulog at kidlat.
Malakas na buhos ng ulan.

Ahhh... Nagagalit ang langit.

"Parusahan mo ako, hindi ko siya nailigtas! Wala akong kwenta!!" I shouted.

Natatanaw ko ang malalakas na alon sa ibaba ng bangin. Isang hakbang na lang matatapos na ang sakit.

I want to die.

"Wait for me. I'm going there with you."

I closed my eyes. At hinakbang ko ang isang paa para tuluyang mahulog.

I smiled. Finally.

I opened my eyes for the last time.

Only to find someone is hugging me.

"Who are you?"

...

Napabalikwas ako ng bangon.

Arghh... That dream again.

Napahilamos ako sa aking mukha.

I never forget that dream.

Huminga ako ng malalim, pero bigla rin napalingon sa aking tabi ng may maalala.

I'm hugging her...

Pillow?

She's not here.

Nagmadali akong umalis sa higaan at bumaba ng bahay.

...

"Iho gising kana pala. Kamusta ang tulog mo?" si Nanay Lucia agad ang nakita ko sa may kusina. "Halika at mag kape ka muna." paanyaya niya at pansamantalang iniwan ang niluluto at nagtimpla ng kape.

"Nakita niyo po ba si Snow?" tanong ko sa matanda at umupo sa harap ng mesang yari sa kawayan.

Hindi ko nakikita kahit anino ni Snow at tanging mga batang naglalaro ang nasa paligid.

"Snow?" bahagya pang kumunot ang noo nito, pero mayamaya ay lumiwanag rin. "Ang iyong nobya ba?" tumango ako dahil alam kong si Snow rin ang tinutukoy niya. "Maagang umaalis si Misha kapag nagpapalipas siya ng gabi rito."

Ako naman ang napakunot ang noo sa narinig.

Napansin siguro ni Nanay Lucia ang pagkunot ng noo ko.

"Misha kasi ang tawag namin sa iyong Nobya." paliwanag nito habang nakangiti.

Tumango na lang ako.

Nilapag niya ang tasa ng kape sa harapan ko.

"Pinasasabi niya rin na bumalik kana daw sa syudad." sabi nitong muli. "Ang batang yun talaga hindi ka man lang hinintay magising. Dapat sana magkasabay na kayo umalis." umiling-iling pa ito bago bumalik sa pagluluto.

Tahimik lang akong humihigop ng ginawa niyang kape.

"May nangyari ba kagabi?"

Cough... Cough... Cough...

Sh*t. 

"N-nothing!" bigla kong sagot, pakiramdam ko uminit ang mukha ko.

"Bakit ang pula-pula mo? Iba siguro ang iniisip mo ano?" tukso sa akin ng matanda.

Heartbreaker Prince meets Emotionless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon