ELLA LOUISE POV
Ngayon ay nandito kami sa loob ng Guidance Office. Hayyy kung nakamamatay lang ang mga tingin baka patay na kami ni Sharley ngayon.
Kasalanan to ni Sharley eh. Kainis! Kung di ba naman niya ako pinakaelamanan edi wala Kami dito ngayon. Kumakain sana ako sa canteen ng paborito kong pagkain. NAGUGUTOM NA AKO!
"Wala ba kayong balak magsalita" sabi ng isang teacher na mukhang may edad na . Na nerd.
Eh sa nagugutom na ako eh, wala na akong lakas magsalita. Pero para makaalis na ako dito kailangan kong magsalita.
"Ma'am siya po ang nauna kasi po nakaupo po ako sa may canteen nang bigla niyang sipain ang inuupuan ko at pinipilit niya akong paalisin dahil sa kaniya daw yung upuan na yun" Dire-diretso kong salita para maniwala talaga sila HAHAHAHA
"Vinandal niya nga pa po yung upuan tsaka lamesa eh" habol ko pa
Dahil sa mga sinabi ko ay napatingin silang lahat Kay sharley na ngayon ay nanginginig na sa takot.
Nakaupo si sharley ngayon at halatang halata ang kanyang pagkabalisa dahil sa takot.
HAAHAHA kasi alam niyang wala na siyang kawala dahil pangalan niya mismo ang nilagay niya sa upuan at lamesa Doon sa canteen.
"Ano nang paliwanag mo Ms. Lianos?"
Hindi na makapagsalita si sharley at halatang takot na takot na siya.
"kung gayon maaari ka nang umalis Ms. Rosales at ikaw Ms. Lianos maiwan ka"
"Pero Ma'am" reklamo ni sharley
Pero tiningnan Lang siya ni Ma'am ng Aangal ka? Look
"Sige po Ma'am. Thank you!" Tumayo na ako pero bago ako lumabas tiningan ko muna si sharley at ginawaran ng pinakanakakainsultong ngiti sa buong mundo. HAAHAHA
Tiningnan naman niya ako ng masama. Mas masama pa sa tingin ni satanas.HAHAHA
MANIGAS KA DIYAN!! BRUHA KA!!
SHARLEY LIANOS POV
"Dahil sa ginawa mo Ms. Lianos ay may ipapataw kami sayong parusa".
"Tsss Pasikat Lang eh no." bulong ko naman dahil sa inis.
"May sinasabi ka?".
"Ahh wala naman po Ma'am" pagsisinungaling ko.
"Kung wala ka nang sasabihin ay umpisahan mo na ang paglilinis ng canteen"
"WHAT!?" gulat ko namang tugon
"Oh bakit? Di ba don ka nagkalat? Syempre doon ka maglilinis" maarte namang banat sakin ng principal.
Teka? Ngayon lang ako nakakita ng isang matandang mukhang nerd ah. Yaykkss
ANG PANGET!
" Pero---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi sumabat agad si Principal. Tsss MATANDANG NERD!
"Wala nang pero pero, pwede ka nang magsimula"
Kasalanan mo to Ella!! Akala mo makakatakas ka sakin pwes hindi!, hindi mo pa ako lubos na kilala. Hindi mo alam ang mga kaya Kong gawin, makaganti lang.
Tumayo na ako at lumabas ng Guidance Office. Paglabas ko ay nakita ko ang Future husband ko na si Third kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.
"Hi Third! Saan ang punta mo?"
"Uuwi" maikli niyang tugon
"Ha? Bakit?" nag aalala ko namang tugon sa kaniya sabay kapit sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Novela JuvenilRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...