~CHAPTER 10~

175 10 0
                                    

THIRD CERES POV

Naglakad na kami ni tomboy na maganda ang boses. Hindi ko siya ihahatid, sasamahan lang. Walang ibang ibig sabihin.

Papalapit na kami ng papalapit sa mga tambay. Mas hinigpitan ko ang pagkakaakbay ko Kay tomboy na maganda ang boses. Nang nasa mismong harapan na nila kami ay biglang tumayo ang isa sa mga tambay at humarang sa dadaanan namin.

"Boy, Girlfriend mo ba yan?" Seryosong tanong niya.

"Oo" wala namang emosyong tugon ko.

Alam ko nagulat si Tomboy na maganda ang boses sa sinabi ko dahil napatingin siya sakin at tiningnan ko din siya.

"Alam mo boy, may itsura ka. Siguro maraming nagkakagusto sayo pero bakit tomboy pa shinota mo?" Pagkasabi niya non ay biglang tumawa lahat ng kasama niya pati na rin siya.

"Its none of your Business, So will you please shut up and get out of our way"

"Aba ingleshero pala to e, pakitagalog nga sinabi mo hindi ko kasi naintindihan" natatawa pa ring' saad niya.

"Intindihin mo na lang" sabi ko.

Sinenyasan ko naman si Tomboy na maganda ang boses na maglalakad na kami. Hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin ako sa kanya.

Hindi pa kami nakakalayo ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Sandali lang boy"

Pagkarinig namin non ay hinawakan agad ni Tomboy na maganda ang boses ang braso ko na ipinapahiwatig na wag na lang pansinin at magpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Inalis ko ang kamay ng lalaki na nakahawak sa balikat ko. At naglakad na ulit kami.

"Aba! Nakakabastos ka na ah!" Sigaw ng lalaki saamin.

Napahinto naman kami, at tiningnan ko si Tomboy na maganda ang boses. May binulong ako sa kanya, at buti naman pumayag siya.

Hinarap namin pareho ang lalaki at hindi na lang siya nag iisa ngayon kundi lahat na sila ay nasa di kalayuan sa kintatayuan namin ni Tomboy na maganda ang boses.

"1" pagbilang ko.

"2" pagbilang ko ulit.

"3"

"TAKBO!!!!" Sigaw ko.

Tumakbo kami papalayo ni Tomboy na maganda ang boses. Ibinulong ko sa kanya kanina ay haharap kami sa kanila at kapag nakabilang na ako ng tatlo tsaka kami tatakbo.

Hinabol kami ng mga tambay.

Dahil sa mabilis at laki ng takbo ko at nahirapan si Ella na sumabay sakin. Hawak ko pa naman kamay niya kaya parang hinihila ko siya.

At sa di inaasahan ay nadapa si Ella.

"Ella! Tayo na! Maaabutan nila tayo!" sigaw ko sa kanya.

Pinilit niyang makatayo pero di niya kaya. Na'sprain siguro ang paa niya. Wala ng ibang paraan, eto na lang talaga ang naiisip ko.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at binuhat siya sa likod ko.
Alam Kong nagulat siya sa ginawa ko pero ang nasa isip ko  na lang non ay ang makalayo sa mga tambay.

Lumiko ako at nagtago sa isang eskinita. Nang malapit na sila ay agad akong nagtago sa dilim. Buti na lang at di nila nakita ang pagliko namin.

Nakasakay pa rin si Ella sa likod ko at ibinaba ko na siya. Ang bigat din pala ng mga babae!

"A-ayos ka lang ba?" Tanong ko habang naghahabol ng hininga.

"O-okay lang" tipid niyang sagot.

Im Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon