THIRD CERES POV
"What the f*ck!?" sigaw ko kay Sharley.
Pinagkakalat ng babaeng ito yung nangyari saamin sa Condo.Sinasabi niya na girlfriend ko siya at boyfriend niya ako, kahit hindi naman talaga.
"Wag ka na magalit Honey ko. Nagawa ko lang naman yun kasi mahal na kita at may nangyari na satin. Diba?"
Tsk! Akala siguro ng babaeng ito na maloloko niya ako.
"Are you out of your mind? Walang tayo! at yung nangyari sa Condo mo? Wala naman talaga nangyari satin. Akala mo maloloko mo ako? I'm not stupid like you!"
Nabigla siya sa sinabi ko. Akala siguro niya na hindi ko pa naalala yung nangyari sa Condo. May Hang over pa ako nung umalis ako sa Condo niya kaya wala pa ako sa sarili.
But after I sober up ay naalala ko na lahat. Hindi nagagawang pakalimutin ng alak kung ano man ang nangyari sa nakaraan. Tsk! I hate Stupid Girls!So stupid to think na hindi ko maaalala. Ano ako nagka amnesia?
"Honey, sorry na" saad niya pero umalis na ako.
Papunta na ako sa Canteen para kumain pero hinahabol pa rin ako ng babaeng to.
Sorry siya ng sorry. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan at pagchismisan kami ng mga tao.
"Siya ba yung Transferee? Tama sila gwapo nga" saad ng bakla na nadaanan namin.
"Ano ba yan. Pinapahabol niya lang si Sharley. Di ba siya naaawa?" -girl 1.
"May LQ siguro"- girl 2.
Sikat ba tong babae na to dito? Makapagsalita sila parang Alam nila ang nangyayari.
Hanggang sa makarating ako ng Canteen ay sunod pa rin siya ng sunod. Sa lakas ng bunganga niya ay pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
Huminto ako para pagsabihan siya.
"Shut your mouth up. Wag ka na magsalita kung ayaw mo na ipagsabi ko dito na hindi talaga kita girlfriend at gumagawa ka lang ng istorya"
Tumahimik agad siya dahil sa sinabi ko. Natakot siguro na mapahiya.
Kumakain na ako at eto siya ngiting ngiti at tinitingnan ako habang kumakain. Okay na yan kesa magbunganga pa siya. Nakakarindi na.
Hanggang sa pagbalik ko sa room ay nakabuntot siya sakin. Hinayaan ko muna. Hahanap na lang ako ng paraan para mapatigil siya sa kakalandi sakin.
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Teen FictionRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...