ELLA LOUISE POV
Di ko talaga alam kung tinadhana ba kami ng taong ito o sadyang pinaglalapit lang kami ni Satanas. HAHAHAHA char.
Eto ako nakaupo sa harap ng napakahabang lamesa na nakita ko sa buong buhay ko. Para akong bibitayin sa dami ng pagkain na nakahain. Huling kainan ko na ba to?
"Kumain ka na iha"
Saad ng matanda na tinatawag nilang manang kanina. Ngumiti lang ako kasi kanina ko pa gustong umuwi, naunahan ako kainin ng kahihiyan sa nangyari kanina.
Nasan na kaya ang tukmol na yun? Grabe di ko inakala na sobrang yaman pala niya. Naalala ko tuloy yung -----arghhhhhh!.
*FLASHBACK
"Ouch!"
Nagulat ako sa kaharap ko ngayon kaya di ko na ininda ang sakit ng ulo ko.
"Bakit ka nandito!?" gulat na tanong ko.
"Syempre! Bahay namin to!" sigaw niya na halatang nainis.
Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil may kumalabit sakin sa likod. Paglingon ko ay nandito yung bata na nilibre ko ng ice cream.
"Can you please look after your visitor? Pakalat-kalat kasi!" sambit niya habang nakatingin sakin.
Iniwan na kami ng tukmol nakakainis naman.
*END OF FLASHBACK
May narinig akong nag uusap at alam kong papalapit sila dito.
Si Tukmol! at tsaka isang magandang babae na mukang nasa 40's na.
Umupo na din sila sa hapag nasa kanan si tukmol at nasa kaliwa naman yung babae.Magkaharap sila. at ako yung nasa gitna, parang ako pa may'ari ng bahay sa pwesto ko.
"Oh iha bakit di ka pa kumakain?" tanong nung babae.
"Pabayaan mo siya Mom, may mga kamay naman yan For sure kaya niyag kumain mag isa".
Tukmol ka talaga kahit kailan! Tukmol! Gigil mo si ako!
"No, son. We should be good to our visitor. Kain ka na iha, masasarap yang pagkain na yan. Specialty ni manang".
Mommy pala ni tukmol to? kaya pala ang gwapo niya. Alam ko na kung saan siya nagmana. Looks lang naman namana niya pero yung attitude? HINDI.
"She's not my visitor, she is HIS visitor" sabay turo sa kadadating lang na bata.
"Ikaw talagang bata ka. Hahahaha. Pag pasensyahan mo na iha yung mga anak ko ganyan lang talaga sila"
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Genç KurguRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...