ELLA LOUISE POV
Hindi ko akalaing ganon pala ang tingin sakin ni third. Oo aaminin kong nainis ako pero di naman ako galit kasi totoo naman ang sinabi niya eh. Hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya niya akong sabihan ng ganon. Close ba kami? eh sa kanya na nga mismo nanggaling na 'were just classmates'. Nasanay kasi ako na ang pamilya ko lang ang pumapansin sa kilos ko.
Naglalakad ako ngayon papuntang gate. Uwian na kasi namin, as usual solo nanaman. Malapit na ako sa gate ng may biglang tumabi saakin at nagsabing sorry sabay walk away.
"Si mokong?"
*Bahay
Napapaisip ako kung anong nakain ng mokong na yun. Bakit biglang bumait yata? Tssss bahala siya, at tsaka bakit ko ba siya iniisip?
"Anak"
"Anak"
"Anak!!!!!"
"Ayy anak ka nang tatay mo!" sigaw ko dahil sa gulat. "Papa naman ih! alam mo namang magugulatin ako"
"Eh panong di ka magugulat? kanina pa kita tinatawag, parang wala ka namang naririnig"
"Sorry pa, May iniisip lang"
"Sino ba yang iniisip mo?" curious na tanong ni papa.
"Sino agad? di ba pwedeng ano?" pagpapalusot ko.
"Oh siya siya. Anong iniisip mo na para kang tanga diyan nakatulala".
"Eh kasiii...kasiii....ahhh basta di pa ako handa sabihin"
"Bahala ka ngang bata ka".
Natapos na akong kumain at naghanda na papuntang school para sa afternoon class ko.
"Ma, Pa, Alis na po ako" lalabas na Sana ako sa pinto ng biglang nagsalita si papa.
"Mag-ingat ka anak ha baka bigla ka namang matulala tapos Hindi mo na alam kung anong ginagawa mo" pang-aasar sakin ni papa.
"Pa naman ih! kainis to!" pagmamaktol ko.
"O sige na umalis ka na" natatawang sambit ni papa.
Naglalakad ako papuntang school nang may madaanan akong mga bata na naglalaro. Hayy ang sarap talaga maging bata, yung pinoproblema mo lang kung anong gagamitin mong technique para manalo. Yung iisipin mo kung paano ka makakatakas sa mama mo mamaya para makapaglaro at Hindi matulog.
Paglingon ko sa bandang kaliwa ko ay may nakita akong bata na nakasakay sa isang kotse at nanood sa mga batang nalalaro. Naawa ako sa bata kaya nilapitan ko.
"hoyy bata, bakit di ka sumali don oh" turo ko sa mga batang naglalaro.
"My dad told me that I'm not allowed to play outside especially to those dirty kids"
jusko ingleshero pala tong batang to! Nosebleed ang lelang niyo ah.
"Ahm you know your daddy is sinungaling, because if you want to laro laro there kahit na madudumi sila ay happy naman. eh ikaw happy ka ba?"
"No, that's my daddy's want not mine"
Ayyy masunuring bata.
"Sir, malelate na po kayo sa school" sambit ng driver nong bata.
"Yes, manong let's go" poker face na sagot nong bata. "Bye ate" sabay wave sakin.
"Bye"
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Teen FictionRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...