~CHAPTER 6~

176 10 0
                                    

THIRD CERES POV

Salamat naman at uwian na. Gusto ko nang mag-enjoy kasama ang mga friends ko. Nasasawa na agad ako sa mga pagmumukha ng mga kaklase ko dito. I know na kakasimula pa lang naman ng klase pero damn! ang kukulit at ang haharot ng mga tao sa public school! and I hate that.

Tatapusin ko lang tong year na to and I will go to states for good. Para kahit papano mapalayo at makalimutan ko na siya.

May humawak sa dalawa Kong braso.
At dahil dalawa sila, Hindi na ako nakapalag.

"Huwag kang mag iingay!"

Dinala nila ako sa likod ng building namin.Ano nanaman ba to? I'm tired of this!

Lumabas na nga ang pasimuno ng gulo. Bakit ba sila baliw na baliw don sa babaeng yun?. Eh mas makati pa yun sa higad at mas madikit pa kesa sa linta.

Susuntukin na sana ako ng leader nila pero bigla itong napahinto dahil sa sigaw ng isang babae.

"Hoy!! Itigil niyo yan!!"
ang tapang niya ah. Parang naman may maitutulong siya.

Oo tama kayo ng hinala.Si tomboy na maganda ang boses ang nandito at nagpifeeling na superhero.

"Ano sa tingin niyo ginagawa niyo?" tanong ni tomboy na maganda ang boses.

"At ikaw? Bakit ka naman nandito?" tanong ng isang lalaki na may hawak sa kabilang braso ko.

"Nakita ko kasi na may Hindi magandang nangyayari dito eh" ang tapang talaga!.

"Wala ka namang magagawa, kasi isa ka lang namang tomboy na nagpapanggap na matapang" sabat ng leader nila.

"Ano nga pa lang pangalan mo?"

"Brando, Bakit?"

"Ah ,ikaw?" turo nito sa isang lalaki na may hawak sakin.

"Jason"

"ikaw?" turo naman niya sa pangatlong lalaki.

"Harold"

"Okay.Brando,jason, at Harold. Recorded lahat ng sinabi at nangyayari ngayon dito sa phone ko. isesend ko agad to say advicer natin o di kaya post ko na lang sa Facebook para kahit konti ay sumikat naman kayo.Nice idea di ba?" matapang at hambog na salaysay ni tomboy na maganda ang boses.

Pero magaling ang naisip niyang panakot. Mahusay.

Binitawan na ako ni Jason at Harold. Masama naman na tumingin saakin si Brando at tumingin din siya Kay tomboy na maganda ang boses.

"May araw din kayong dalawa sakin" huling komento niya at umalis na kasama ang dalawa niyang mukhang alalay.

"Ano? Mukhang may utang ka nanaman saakin" nang iinsulto ba siya?. tch nakakainis.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumalikod na sa kanya.

"Hoy tukmol!"

napahinto ako sa narinig Ko

What!?

What was that!?

What the hell did she call me!?

TUKMOL!?

Hindi ko na lang pinansin at nagcontinue na lang ako  sa paglalakad.

"Hoy, bakit di mo ako pinapansin!?" sigaw niya mula sa likod ko.

"Hoy, alalahanin mo niligtas kita"

"Hoy! tukmol!"

Nakakarindi naman! kaya nilingon ko na siya.

Im Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon