THIRD CERES POV
Maaga akong gumising at ginawa ang mga usual rituals ko. Pagbaba ko ay nandon sila mommy at daddy sa baba at nagaalmusal.
Maaga pa naman, kaya pala nandito pa sila. Naupo na ako at nagsimula ng kumain.
"Mabuti naman at maaga kang gumising, Kamusta ang buhay PUBLIC SCHOOL?" striktong tanong saakin ni daddy.
Sa totoo Lang ay ayaw ni daddy na lumipat ako sa Public School dahil sabi niya, walang modo ang mga estudyante doon, pero sinuway ko siya. Wala naman na siyang magagawa kasi wala naman sila dito palagi. Pinakiusapan ko si Manang Yoli na ienroll ako sa Public School. Hindi naman tutol si mommy na lumipat ako ng School. Alam ni Mommy ang nangyare saakin pero si daddy hindi. Mas close kasi ako Kay Mommy at mas komportable akong kausap siya kesa Kay Daddy.
"Ayos naman po" Sagot ko
"Tandaan mo ito Third, Sa oras na ma-adapt mo ang mga ugali ng mga tao don sa School mo ay ora-mismo ay ililipat kita sa dati mong school" Inis na sambit ni Daddy
Napatingin naman ako kay mommy at ngumiti ito saakin.
Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni mommy.
"Alis na ako Dad"
*SCHOOL
Pagdating ko sa School ay wala pa masyadong tao kaya as expected walang tao sa room. Dahil sa maaga akong nagising ay kulang pa ako sa tulog. Anong oras naman din kasi ako natulog kagabi kaya Naisipan kong umidlip muna para mamaya sa klase ay hindi ako Antukin.
"Baby, hali ka dito" Narinig Kong tawag saakin ng mahal ko na may halong paglalambing. "Bakit baby?". May iniabot siya sakin na katamtaman ang liit na box, pagbukas ko niyon ay may nakita akong bracelet at nakaukit sa bracelet na iyon ang Pangalan naming dalawa. "Salamat baby, I Love You" matamis kong sambit sa kaniya. "I Love you too" . At biglang May narinig akong love song na mas nagpaganda sa sitwasyon ko ngayon. Pero biglang naglaho ang lahat.
Nagising ako dahil sa saliw ng kanta na naririnig ko.Ang ganda ng boses niya, pero dahil sa nakatalikod siya saakin ay hindi ko makita ang mukha niya kaya lumapit ako at kinalabit siya pero imbes na puriin ay sinungitan ko siya.
"Pwede ba kung kakanta ka siguraduhin mo munang wala kang maiistorbong tao?" sabi ko
Nagulat ako dahil sa ganda ng boses niya .Pero hindi ko akalain na kung anong ganda ng boses niya ay kabaligtaran niyon ang kanyang mukha. Panlalaki manamit, messy hair, nakacap pero baliktad yung tipong pangtomboy ang dating at higit sa lahat ay ang pag upo niya para talaga siyang lalaki.
Nagkatinginan kami pero umiwas agad siya ng tingin.
*CLASS HOUR
*Aral
*Aral
*Aral
*Aral
*RECESS TIME
Lumabas na lahat ng tao dito sa room, ako na lang ang natitira pero after a few minutes ay lumabas na rin ako.Gusto ko lang kasing siguraduhin na wala na masyadong tao sa Canteen baka pagkaguluhan nanaman kasi ako.
Hindi pa ako nakakalayo sa building namin ay may narinig akong sumisigaw at mukhang galit na galit ito. Dahil sa curiosity Ko ay hinanap Ko ang pinagmumulan ng boses na iyon.
At doon Ko naririnig ang boses sa likod ng building namin. Agad akong pumunta doon at saktong nakita ko si sharley na sisipain na sana si? Si? Ano bang pangalan non? ?? Ayy basta tomboy na maganda ang boses. Tumakbo ako papunta sa kanila at hinawakan ang balikat ni sharley para mapigilan siya kaya napahinto si Sharley sa gagawin sana niyang pagsipa Kay tomboy na maganda ang boses.

BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Teen FictionRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...