THIRD CERES POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at pumunta sa CR para umihi pero laking gulat ko ng may babaeng naliligo sa loob.
"Aaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko at tumakbo papalabas ng CR.
"Hey Honey!" Tawag sakin ng isang babae.
H-HA? H-ONEY? MAY ASAWA NA AKO!? ANONG NANGYARI!!?? NANDITO BA AKO SA FUTURE KUNG SAAN MAY ASAWA AT MGA ANAK AKO!? WAAAAAHHHHHH IBALIK NIYO AKO SA NAKARAAN! HINDI PA AKO HANADA MAGKAPAMILYA!!!!!!
"You know honey, you're so cute".
"S-sharley?".
Huwag niyo sabihing siya ang asawa ko? Hindi! Hindi pwede!
"Don't worry nandito ka sa Condo ko".
Tiningnan ko ang palibot ng kwarto at nung may nakita akong salamin ay agad ako tumakbo papunta don.
Nakahinga naman ako ng maayos nang makita na ganon pa rin ang itsura ko. Hindi pa ako matanda.
Sa kakatingin sa salamin ay nakita Kong naka boxer lang pala ako. Pumunta agad ako sa Kama at kinuha ang kumot at tinakip ito sa katawan ko.
"OA mo naman honey! HAHAHA nakita ko na yan kagabi" tawa niyang sambit.
Napatingin ako Kay Sharley mula ulo hanggang paa at narealize na nakatapis lang siya ng twalya kaya tumalikod ako.
"Kasi naman kagabi, lasing na lasing ka buti nga------".
Di ko na siya pinatapos magsalita.
"May nangyari ba satin?" matapang kong tanong.
"What do you think?" malandi niyang tanong at tsaka lumapit sakin.
Hinimas himas niya ang braso ko kaya agad ko naman yun binawi.
"HAHAHAHAHA" tawa niya.
"Answer me".
"Ano nga sa tingin mo? Ooopppss! Wait, wala ka bang maalala?".
Di ko na lang siya sinagot at kinuha ang damit ko na nakalagay sa side table tsaka nagbihis na.
"Honey, aalis ka na ba?".
"Obvious ba? And again please stop calling me honey, I'm not your husband nor your boyfriend!".
Umalis na ako at iniwan siya don sa condo niya.
Pumara agad ako ng taxi tsaka sumakay.
"Manong sa Amethyst Village nga ho".
"San po yun, Sir?".
"Malapit sa Barangay San Pedro po".
Pagkaandar ng Taxi ay nakita ko pa si Sharley na tumatakbo at hinahanap ako.
Habang nasa byahe ay pinilit ko isipin kung ano ang nangyari pero wala talaga. Nakarating na lamang ako sa bahay ay wala pa rin.
"Sir bayad niyo po".
Wala akong cash na dala.
"Credit card po manong tumatanggap kayo?".
"Hindi Sir eh".
Pano yan? At bakit walang Guard na nagbabantay dito sa gate?
"Manong Bert! Manong Bert!" Tawag ko sa Guard namin.
Nakita ko naman na takbong lakad si Manong Bert papunta sakin. Inutusan ko siya na maiwan sa gate dahil kukuha lang ako ng cash para maibayad sa Taxi Driver.

BINABASA MO ANG
Im Courting Him
TeenfikceRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...