~CHAPTER 7~

158 9 0
                                    

THIRD CERES POV

*BAHAY

"Oh iho, kamusta ang araw mo?" Sinserang tanong ni Manang Yoli.

"Okay naman po Manang, Akyat na po ako sa taas".

"Sige iho, tapos bumaba ka dito para makapaghapunan ka".

"Ay Manang kakain po kami sa labas ng mga Friends ko. Kumain na lang po kayo diyan" pahabol Kong sabi Kay manang.

Hindi ko na sinabi Kay manang kung ano ang nangyari sa School kanina dahil tiyak na magsusumbong yun kay Dad at baka maging dahilan pa para bumalik ako sa dati kong School.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad ako naghubad para maligo.

Nang mapansin ang dumi sa uniform ko.

"Damn! Ang dudumi ng mga kamay nila. Bakat sa uniform ko!".

Pumunta ako sa CR dala-dala ang damit ko para labahan. Sanay ako na maglakad-lakad dito sa kwarto ko na walang kahit isang damit na suot, pero di naman madalas.

Ayoko makita ni Manang Yoli to kasi baka magtanong yun kasi di naman ako madumi sa gamit.

Pagkapasok ko sa cr ay naghanap ako ng pwedeng paglabahan nitong uniform. Binuksan ko na ang tubig sa may bathtub dahil nasa baba ang washing machine.

Nang medyo makalahati na ng tubig yung bathtub ay nilagyan ko ito ng sabon na ginagamit ko sa katawan.

Tama ba tong ginagawa ko?

Bahala na basta malabhan ko to.

Kinusot ko ng kinusot ang damit pero di naaalis yung dumi. Hindi naman ako marunong maglaba kasi sila Manang yung naglalaba dito.

Habang nagkukusot ay biglang may narinig akong napunit.

Ano yun? Wala naman akong suot na damit ah. Tiningan ko yung damit na kinukusot ko ngayon, at nakita ang malaking punit sa may manggas nito.

Nanlumo ako tsaka di na lang pinagpatuloy ang paglalaba. Nilagay ko muna yung damit ko sa may lababo ng CR.

At Naligo na ako.

Pagkatapos maligo ay naghanap ako ng pwede kong gamitin na damit. Alam Kong sa Jiamminn naman kami pupunta ngayon.

Blinower ko muna buhok ko. Oo nagboblower ako ng buhok, please don't mind it.

Nagbihis and then okay na.

Tumingin ako sa salamin at napangiti. Narealize ko lang naman na ang gwapo ko pala talaga.

Tawagan ko muna mga Friends ko kung saan ang rendezvous(tagpuan) namin ngayon.

"Eyy Cal, where are you?".

"Bro, I'm here sa Hospital because my Sister is giving birth to my pamangkin" excited at tuwang-tuwa na balita niya sakin.

"So hindi ka makakasama sa gimik ngayon?".

"Sorry Bro, maybe next time".

By the way siya si Cal Benzon, one of my bestfriends. Tatlo kasi kami, yung isa? Eto tatawagan ko pa lang.

"Hey Ed, ano Jiamminn tayo?".

"Sorry bro, something came up and I think I can't go with you guys now. Nandyan naman si Cal, kayo na lang munang dalawa".

"Cal is not coming too".

"What? Why?"

"Her sister is in hospital now, and giving birth to his pamangkin".

Im Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon