ELLA LOUISE POV
Tahimik lang kami sa byahe pero parang nabibingi ako sa ingay ng tibok ng puso ko. Wag ka kasi masyadong lumapit sakin Third! Aatakihin ako sayo e.
Ipinarada na niya ang kotse niya at bumaba na siya. Akala ko pagbubuksan niya ako ng pinto pero Hindi pala HAHAHA feeling ko naman.
Bumaba na rin ako at pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng papasok pa lang din sa School at hindi nakaligtas sakin ang titig ng isang babae. Sa sobrang talim ng tingin niya ay para akong pinapatay.
Si Sharley.
Bakas sa mata niya ang selos, inggit, inis at pagkamuhi. Galit na galit? gustong manakit?
Hinayaan ko lang siya at pumasok na ako sa loob ng School.
Ang ipinagtataka ko lang ay bakit di man lang pinansin ni Third si Sharley? Akala ko ba magjowa sila?
Weird.
*// Prootttt!!!
A-no yun?
*//Prootttt!!!
Naku! Tawag ng kalikasan! bakit ba ngayon pa!?
Tatakbo na sana ako papuntang cr ng biglang may humablot sa buhok ko.
"Araaayyyy!!!"
"Layuan mo si Third! Malandi ka!" binitawan niya ang buhok ko at tiningnan ako ng matalim.
Langya Sharley wala ako sa hulog makipag away ngayon please lang! lubayan mo ako kung ayaw mong ihilamos ko tae ko sa pagmumukha mo.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.
*//Protttt!!
Pag utot ko ulit at hindi lang narinig yon ng mga tao kundi naamoy din! Patay!
"Ano ba yan! Ang baho!"
"Amoy imburnal!"
"Patay na daga kamo!"
May utot ba na mabago!? Ang aarte niyo!
Tumakbo na ako at nakita kong hinabol pa ako ng bruha. Ano? Sasama ka sa pag tae ko?
Nakaabot na ako sa CR. Agad na pumasok at
Boooommm!!! Happy New Year!!
Iri dito, Iri doon . Plok!
Haysss sa wakas natapos na din.
Naghugas na ako ng pw*t at saktong lalabas na pero pagtulak ko ng pinto ay hindi mabuksan."Bukasan niyo po ang pinto!"
Walang sumasagot.
"May tao po dito sa loob, pakibukas po ng pinto!".
Nakailang sigaw pa ako pero wala pa ring bumubukas ng pinto. Pinagpapawisan na din ako dahil ang init dito sa loob. Buti na lang may nakita akong bintana.
Tumuntong ako sa inidoro at binuksan ang bintana para makalanghap ng hangin.
Nagpahangin muna ako saglit at sinipat-sipat ang bintana.
"Mukhang kasya ako dito ah" pagkausap ko saaking sarili.
Isinampa ko ang dalawa kong braso sa down side ng bintana. Hugis Square ang bintana at malaki laki Ito ng kaunti. Mabuti na lang hindi ako mataba at kasyang kasya ako dito.
Bumagsak ako sa madahon na lugar at maraming basura, nangangamoy na din dahil sa dami. Tambakan ng basura pala ang likod ng CR.
Tumayo ako ng dahan dahan kasi mukhang napuruhan ang balakang ko sa pagbagsak.
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Teen FictionRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...