~CHAPTER 3~

223 20 0
                                    

ELLA LOUISE POV

Naglakad na ako palabas ng Guidance Office at naisipan ko munang mag Cr. Naiihi kasi ako dahil sa takot kanina. Pagkalabas ko ng Cr sakto nakita kong naglalakad si Third, lalapit sana ako sa kanya kaso nakita kong papalapit sa kanya si Sharley kaya nagtago na lang ako sa likod ng puno, medyo malayo ako sa kanila kaya di ko marinig ang pinag uusapan nila.

Nagulat na lang ako nang hawakan ni sharley ang braso ni Third. Feeling close nanaman tong babaeng to! pero ilang saglit pa biglang huminto si sharley at si Third ay dire-diretso lang sa paglalakad. Hmmm ano kayang nangyari? Nong medyo malayo na si Third ay lumapit ako Kay sharley para inisin siya. HAHAHAH

"HOY LIANOS!!!" natatawa kong tawag sa kanya

Napalingon naman sakin si sharley

"Anong nangyari? Binasted ka?" tanong ko habang nakaturo Kay Third

"Its none of your Business!" galit niyang tugon saakin.

"Anyway, ano pala parusa sayo?" Pang aasar ko

"Bakit mo naman tinatanong?" nagtataka niyang tanong

"Kasi malay mo diba .matulungan kita" ASA ka!!

Pero imbes na sagutin ako ay inirapan niya lang ako at umalis na.

Ang hina naman pala eh. Sa susunod kilalanin muna niya ang kakalabanin niya. Ako kasi ang uri ng tao na hindi nagpapatalo at sumusuko agad  ganon ako. Hindi naman ako kagandahan, kung manamit nga ako parang lalaki .Eh sa doon ako komportable eh.

Pinakaclose ko kasi sa dalawa kong kapatid eh yung kuya ko. Magkavibes Kami non at lagi din niya akong pinagtatangol mula kay ate, lagi kasi akong sinisita ni ate sa kilos at pananamit ko kasi mukha daw akong lalaki. Eh siya? Ano naman siya? Kung manamit nga siya laging kinukulang sa tela at tsaka ang make-up niya as in grabe talaga.

Oo mukha akong lalaki, pero Di ako tomboy nagkakagusto naman ako lalaki no!

Dahil sa ginutom ako ay pumunta muna ako sa canteen

*CANTEEN

Pagpasok ko ay nakita ko si Sharley na naglilinis

Ahhh so ito pala ang parusa sa kaniya, sabagay kung ako din naman ang magpaparusa sa kaniya eh ganyan din ang ipapagawa ko.

"Ito pala ang parusa sayo"

Napatigil naman sa paglilinis si sharley at napalingon sa kinaroroonan ko.

"Bakit ka naman nandito?"

"Nandito ako para kumain, Inaway mo kasi ako kanina diba? kaya Di ako nakakain".

"Umalis ka nga dito!"

"Oh bakit mo nanaman ako pinapaalis? Ikaw rin ba may-ari ng canteen na ito? Baka naman mamaya diyan ivandal mo itong buong canteen ha" natatawa kong sabi sa kaniya

Hindi na Lang siya umimik, siguro ayaw niya lang na makita ko siya na ginagawa ang parusa sa kaniya. Sa totoo Lang may balak naman talaga akong tulungan siya kaso siya ang may ayaw at tsaka binibiro ko lang naman siya kanina.

Nagmadali na lang ako sa pagkain kasi parang hindi niya gusto na nandito ako.

Pumunta na ako sa room baka kasi nagsisimula na ang klase namin.

Pagpasok ko sa room ay nandoon na nga ang teacher namin pero parang may kulang. Bakit wala si Third?

Nang biglang nag sink in sa utak ko ang nagyari kanina. Oo nga papunta siyang gate kanina. Uuwi na ba siya? Bigla naman akong natauhan sa mga pinag iisip ko bakit ko ba siya hinahanap? Focus Ella! Focus!

Im Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon