THIRD CERES POV
7:49 am
7:30 ang klase ko pero heto ako nakahilata pa rin sa Kama.
Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa nangyari nung sabado. Sa bigat ng babaeng yun Hindi agad mawala ang sakit. Akala ko mawawala na ito nung linggo pero lunes na ngayon at mukang di pa ako makakapasok.
Late na din naman ako nagising kaya di na lang ako papasok. Di talaga siguro sanay ang katawan ko magbuhat ng mabibigat.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang aking Facebook Account. Bumungad agad sakin ang isang Friend request ng kung sino.
|Ella Rosales|
19 mutual friends
__________
|ACCEPT|Pipindutin ko na sana ang Accept nang biglang may kumatok.
*Knock *Knock
"Iho? Gising ka na ba?"
*knock *knock
Binuksan ko ang pinto at nakita si manang na abot tenga ang ngiti.
"Bakit po manang?" nagtataka kong tanong. Muka kasing may magandang balita siyang sasabihin sakin.
"Nandito na ang Mommy mo".
Pagkasabi niya non ay agad akong napangiti. Pero agad din yun nawala nang sumagi sa isip ko na baka nandyan din si Dad. Siguradong sesermonan ako non dahil Hindi ako pumasok.
"E si Dad?"
"Wala siya iho, mukhang siya ang naiwan para asikasuhin ang business niyo".
Bumaba na ako at pumunta sa sala. Nakita ko si Mommy na nakaupo sa may Sofa habang may kausap sa Phone.
Umupo ako sa harap niya at nang mapansin niya ako ay agad siya ngumiti. Of course I smile back.
Tinitignan ko lang si Mom at napagtanto na I have the best mom in the world. Very supportive, caring, and love me very much.
"Son?"
Tawag niya sakin.
"Mom buti naman po nakauwi na kayo".
"Sit here beside me, Son".
Tumayo na ako at umupo sa tabi niya. She immediately hug and kiss me in the forehead.
"I you miss you, Mom" sambit ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"I miss you too. Naku ang kuya nagpapaka baby nanaman HAHAHA" pang aasar ni Mommy sakin.
"Mom naman e" tumatawa na sita ko sa kanya.
"Mag Breakfast na kayo bago pa magkaiyakan dyan" singit ni manang.
Nagtawanan kaming lahat at dumiretso na sa dining area.
ELLA LOUISE POV
"Nasan na kaya ang tukmol na yun?"
saad ko saaking isip.Kanina pa kasi ako nandito sa room, inagahan ko na nga pumasok para makapagpasalamat at makipaglandi ay este makipag usap pala.
"So look who's here"
'Nandito na ang bruha, impakta at malas sa buhay ko'.
Hindi ko siya pinansin at umakto na parang wala akong narinig. Nilagay niya muna ang kanyang bag sa upuan kung saan siya nakapwesto. Nakita ko na naglakad siya papalapit sakin.
BINABASA MO ANG
Im Courting Him
Teen FictionRich Handsome Popular Ganyan kung ilarawan si Third Ceres isang Transfer Student galing sa isang pinakamaganda at pinakasikat na School dito sa lugar namin. Simula nang lumipat siya sa School na pinapasukan ko ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko...