Chapter 11

243 7 0
                                    

"Bakit ba lumilitaw ka nalang bigla?"

"Kasi gusto kita."

Magugustuhan mo pa kaya ako kung sabihin ko sayo na kasal na ako?

Napairap ako kay Laurent. Lagi syang sumasabay na saamin nila Sandra mag lunch at pag vacant naman, magugulat nalang ako may dalang milktea o pagkain.

Hindi ko rin alam bakit sumama ako sakanya nung isang araw. Pumunta kami ng tagaytay ng wala lang. Triplang daw nya.

"Ekis ba talaga si Xeno? Pero kung si Laurent. Go lang girl. Yummy din naman." Tashana.

Sa ilang araw nakadikit saakin si Laurent, nahuhuli kong nakatingin saakin si Xeno. Ayoko mag assume kaya bibabalewala ko lang.

Gusto nya yung EA. Kahit sino itapat mo sakanya at magpakilala ng EA, gugustuhin nya panigurado. Ayoko ng ganon.

Pag nakikita ko si Alison at Xeno na magkasama na masaya, bigla nalang susulpot si Laurent sa harap ko.

"Baka gusto mo ihatid mo narin ako?" nandito kami sa parking area. Pauwi na at nakasunod parin sya saakin.

"Pwede naman--Seyah"

Hinila ako ni Laurent patago sa gilid ng kotse ng may biglang paputukan kami ng limang beses sa pwesto namin at mabilis na umalis.

Nagulat ako ng may humila saakin patayo.

"Okay ka lang ba?"

Xeno

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako ng buo kung nasaktan ako.

"Stay away from her." seryosong sabi ni Xeno kay Laurent.

Hinila nya ako papasok ng kotse nya ng biglang dumating si Alison.

"Babe?"

"Hindi nakita mahahatid. May kailangan lang kami pag usapan importante." at saka sya pumasok sa kotse.

Mabilis nya hinarurot ang sasakyan. Naiwan si Alison na nakatulala.

Nagulat ako ng mag preno sya bigla sa gilid ng highway. Hindi ako naka seatbelt kaya napasigaw ako.

"Anoba!" singhal ko.

"Layuan mo si Laurent." nakatingin sya sa harapan pero ang tono nya maawtoridad.

"Yun lang ba sasabihin mo kaya mo ko pinasakay dito?"

"Muntik ka ng mapahamak dahil sakanya. Hindi ka ba natatakot?"

"Sinabi ko naman sayo na kaya ko ang sarili ko."

Nagsisigawan na kaming dalawa sa loob ng kotse nya.

"Stop acting like that, Xeno. Iisipin kong may gusto ka sakin kaya mo iyan ginagawa." hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kapal ng mukha para sabihin iyon. Maganda ka ba, Seyah?

Bumaba ako ng kotse nya.

Nag book ako cab. Sa dorm ako tumuloy.

Ginusto ko naman 'to pero bakit ngayon parang tangang nasasaktan ako.

"O, bakit nandito ka?" salubong na tanong saakin ni Sandra.

"Sleepover." pumwesto ako sa higaan. May iilan gamit pa naman ako dito dahil just incase na gustuhin ko tumuloy dito may magagamit ako.

"Spill it. What's the problem?" Tashana in serious tone. Naka crossed arms sya.

Umupo ako at huminga ng malalim.

I Choose You [COMPLETED]Where stories live. Discover now