Chapter 24

241 6 1
                                    

"Bakit isang room lang ang na book mo? Hello, dalawa tayo." angal ko sakanya ng makapasok kami sa room.

"To fall inlove with me?" sabi nya ulit. Hindi ko alam kung ginogood time nya ba ako.

Dabog-dabog ako kumuha ng damit ko sa maleta para makaligo pero nangunot ang noo ko ng makita ko ang damit na nasa maleta ko.

"May problema ba?"

"Ha? Ah, wala" pagsisinungaling ko.

Lahat ng nasa maleta ko lahat ay revealing at kila Sandra at Tash ang mga damit na yon. Shuta talaga napag tripan pa ako.

Palihim ako nag chat sa gc namin.

INDAY NATION

Seyah: HAYOP KAYO! MATITIKMAN NYO ANG HASIK SA PAGBALIK KO!!!

Sandra: Oops! It's Tashana's idea haha. Anyway, enjoy misis sullivan hehe.

Tashana: Come on! It's your time to shine haha.

Paglabas ko ng CR di parin maipinta ang mukha ko pero si Xeno ang talim ng tingin nya saakin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong pero imbis na sagutin nya ako, may kinuha sya sa cabinet.

Napataas ang kilay ko ng ibigay nya saakin ang tshirt nya.

I wore bikini, high waisted short at see through na shirt na abot hanggang short ko. Ayoko naman mag floral dress.

"Isn't too much?" anong too much dito?

Dahil mabait ako, hindi ko sinuot ang tshirt nyahaha.

"Pwede ba, stop look at me like that. Iisipin ko talaga na gustong-gusto mo talaga ako." pagbibiro ko.

"Yes! I'm still hoping na gustuhin mo rin ako tulad ng pagkagusto ko sayo." he said in serious tone.

Speechless ako mga inday.

Habang nakain kami, napansin kong suot nya ang singsing. Sinuot nya na talaga for real. Yung akin kasi, nakatago lang at susuotin lang pa nasa bahay ako ng Sullivan.

Pagtapos namin kumain, dumako na kami sa beach. Hindi ganon karami ang tao dito unlike sa boracay.

Habang naglalakad kami, nagulat ako ng hawakan ni Xeno ang kamay ko.

"She's taken." narinig kong sabi ng nakasalubong namin.

Palihim ako napangiti. Seloso pala ang isang Xeno Sullivan.

"Are you jelous?" nakangiti kong sabi para asarin sya.

"Yeah! Kaya suotin muna tong shirt." dala nya parin pala yung damit.

Mygosh! Naiinlove ako, so deep deep na. How can I unlove you?

Mabilis ko hinubad yung see through. I love beach than pool.

"Wag mo ko tignan dyan. Tara!"

Nauna na akong lumangoy hanggang sa pinakadulo. Sumunod din naman sya saakin.

Maya-maya lang din ay nauna na akong lumusong dahil umiinit na. Pagkatapos ko maisuot ang see through ko, nakarinig ako ng sigawan ng mga tao.

"Omg! Save him. Where's life guard?"

Kaagad ako lumingon at nagulat ako ng si Xeno iyon. Dali-dali ako lumangoy palapit sakanya at hinila.

Shit!

I Choose You [COMPLETED]Where stories live. Discover now