Chapter 18

235 7 0
                                    

"Grabe, suspended si Alison dahil sa fake news na post about, Seyah."

"Kawawa naman pala si Seyah afterall at nakaka amaze dahil ang tapang nya sa mga nangyayari."

"Mali na ijudge natin sya at mali rin na maniwala agad sa sabi-sab---"

Hindi nya na naituloy ng makita nila ako na nakatingin sakanila.

"Uh, seyah, kanina ka pa ba nandyan? S-sorry pala nung nakaraan."

Tinanguan ko lang sila at naglakad patungo sa class.

"Inday seyah, suspended yung psycho. Hindi rin sya makakapag march. Buti nga. Sa forum nya pa kasi talaga naisipan ipost haha" bungad saakin ni Sandra.

"Alam ko."

Nabasa ko sa student board na hindi na nga makakapag martsa si Alison at 2weeks suspended. Serves her. Out of the line ang mga ginagawa nya.

Minsan naiisip ko, may problema sya sa utak.

"Ano, tara later mag chill? Namiss ko na mag club." pag aaya ni Sandra

"Uh, let's go. Ano, se?"

"Pass. Marami akong paperworks."

"Korni." sabay nilang sabi.

Sabay-sabay na kami pumunta ng parking lot.

"Saan kayo punta, Tylem?" napalingon kami kay Tashana ng magsalita sya.

Parang aligaga sila base sa itsura nila.

"Huh? May kailangan lang kami puntahan. Sige, bye." aligaga sya pumasok sa kotse nya.

"Primo, may problema ba?" ewan ko kung bakit ko sya tinanong.

Tinanguan nya lang ako tapos may nareceive akong text.

From: Primo

Xeno was kidnapped. I'll send you the location.

Nagtaka ako kung bakit pati location isesend pa saakin kung sila naman tatlo ay pupunta na. Kaya na nila yon.

"Ang weird talaga minsan ni Primo pero buti nalang pogi sya. Hehe"

"Ay ang landi lang Tashana? Una, si Tylem tapos Primo?"

"Edi gumaya ka din Sandra. Basic."

Nagpabibuhan nanaman silang dalawa.

Pagkarating namin sa dorm, binabagabag ako ng isip ko. May part saakin na gusto ko pumunta at may kaunti na hindi.

"O, saan ka pupunta? May paperworks ka diba?"

"May kailangan lang ako puntahan, Tashana. Babalik ako agad."

I tried to call Primo pero hindi sya sumasagot kaya pinuntahan ko nalang yung sinend nyang location.

Sa di kalayuan ako nag park para walang makakita. Nagsuot ako ng mask para wala makakilala saakin.

Nang makaakyat ako sa mataas na bakod nilibot ang lugar. Madilim, maraming damo at lumang gusali.

Nakita ko rin ang sasakyan nila Duke, Tylem at Primo. Nakaramdam ako ng kaba dahil wala akong ingay na naririnig.

"Anong ginawa mo kay Xeno? Ang sama sama mo talag---Aray! Nasasaktan ako."

Teka--si Alison yun ah. Anong ginagawa nya dito?

"Kung hindi mo naman pinabayaan ang trabaho mo, hindi na sana tayo hahantong dito, Alison. Nasisira ang negosyo ko dahil sa kaput*ng*nahan mo sa lalaki na yan. Kaya gigisingin lang kita."

Wala ako maintindihan sa pinag uusapan nila. Susunod sana ako sakanila kaso maraming bantay na nakaaligid na may armas.

Muntik na ako mapasigaw sa gulat ng makita ako ng isang bantay nila, buti nalang napatulog ko sa hampas.

Phew! Kakagaling lang ng sugat ko ah. Jusko!

Dumaan ako likuran ng gusali at pumasok sa bintana. Napahinto ako at nanlambot ako bigla ng makita ko ang dimples group na nakatali ang kamay at paa tapos duguan.

Napatingin ako kay Xeno na nakabusal ang bibig at kitang-kitang mas sya ang napuruhan.

Damn it.

Lalapit na sana ako sakanila ng makarinig ako ng yabag ng paa kaya napatago ako.

"Oh my god! Anong ginawa mo sakanila? Akala ko ba si Xeno lang? Ang sama mo, Allan"

"Bigla nalang dumating eh. Lulusob tapos wala naman palang binat--"

Nakita ko ang pag agaw ni Alison ng baril sa lalaki at itinutok nito ni hindi manlang nagulat ang lalaki na tinatawag nyang Allan.

"SABI KONG WAG MO GAGALAWIN SI XENO DIBA?"

"Nakakalimutan mo atang, boss mo ang kausap mo at hawak ko ang buhay mo. Pumapalag kana, Alison. IPUTOK MO O AKO ANG PUPUTOK NYAN SAYO KASAMA YANG APAT NA YAN?"

Hindi ko alam kung anong meron sakanila pero kailangan ko mailigtas ang dimples group.

"Boss may tao"

Agad ako napatago ng paputukan nila ang pwesto ko. Jusko, nasan na ba si Laurent ang tagal. Hindi ko kaya to. Marami sila.

"Patayin nyo! Wag nyo hayaan makatakas."

Tumakbo ako palabas at saktong dumating si Laurent.

"Late ba ako? Nagsama ako ng iba sabi mo marami eh."

"Buti naman naisipan. Doon sa entrace pumasok tapos sa likod ako."

"Paano ka? Paano pag nakita ka nila?"

"Hindi na mahalaga yon. Bagsak na yung apat kaya kailangan natin mailigtas sila." sabi ko at tumakbo na.

Ngayon, naiintindihan ko na. Drug pusher si Alison. Nakita ko ang isang mesa na puro drugs.

Pakikipag palitan ng putok, suntok at sipa. Marami sila.

Sa kakatakbo ko, napunta ako silid kung nasaaan ang apat.

Agad ako napatalikod ng maramdaman kong may tao. Agad ko itinapat sakanya ang baril.

Nasa likuran nya si Alison.

"Boss, mga myembro sila sa BG." bulong ng tauhan nya pero narinig ko iyon.

Nakita ko ang paglaki ng mata nya at paunti-unting umatras at umalis sila na hatak hatak si Alison.

"E-EA?" Awtomatiko akong napalingon kay Xeno. Ang sakit na makita syang duguan.

Nauna akong lumapit kay Primo dahil sya ang pinakamalapit at para matulungan nya ako magtanggal ng tali sa iba.

Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggalan ko si Xeno ng tali. Naiilang ako sa tingin nya.

Napatigil ako ng biglang humangin ng malakas at hanginin ang mask ko.

Bakas sa mukha ni Xeno ang pagkagulat.

"S-seyah?"

Mabilis kong isinuot ulit ang mask ko at tumayo para umalis.

"Laurent pwede bang ikaw na ang bahala sakanila?" sabi ko sakanya na kakapasok lang.

Narinig kong tinawag pa ni Xeno ang pangalan ko pero hindi ko na sya nagawang lumingon.

Kakasabi ko lang na hindi na mahalaga kung makilala nya ako o hindi.

Damn!

Nagtungo ako sa clinic ng BG para gamutin ang natamo ko.

Naalala ko bigla yung titig ni Xeno saakin.

Ngayon, alam mo na. Ako na ba ang pipiliin mo dahil ako talaga si EA?

I Choose You [COMPLETED]Where stories live. Discover now