Chapter 9

260 8 0
                                    

"Sinasagot na kita, Aid"

Elementary palang magkakilala na kami ni Aiden at nililigawan nya narin ako, nung nag college kami, saka ko lang sya sinagot.

"Happy Anniversary, babe" He kissed me on my forehead. Ito ang nagustuhan ko kay Aid. He respect me so much.

After ng anniversary, may nagbago. Madalang nalang kami magkita at magkausap. Lagi narin kami nag aaway.

"Busy lang ako. Hindi ka ba makaintindi?"

Yun ang huling away namin at hindi na sya nagparamdam. Pumunta ako sa bahay nila pero wala daw sya roon.

Ilang buwan nakalipas, kinocontact ko parin sya at nagpupunta sa bahay pero walang Aiden.

"Alam mo, hanap ka ng icrush mo dyan. Makakalimutan mo yan. Proven and tested." Tash. Ginawa ko iyon at si Zoren ang naging crush ko, pakiramdam ko nakapag move on na ako.

Hindi pa pala.

"Xanayah" Nandito kami ngayon sa mansyon ng Sullivan. Pinapunta lang kami.

"Ate seyah"

"Xanayah, weirdo yan." sinamaan ko sya ng tingin. Ang epal.

"Wag ka maniwala sa kuya mo."

Nag drawing lang kami ni Xanayah. Dinala ko rin yung drawing pad ko para sakanya.

"Wow! Amazing" masayang sabi nya.

"Xanayah, say goodbye to Ate Seyah. Uuwi na sila"

Nalungkot naman si Xanayah.

"Wag na sad. Here, drawing ka ah. Yung mga tinuro ko. Okay?" ngumiti sya ng iwan ko ang drawing pad.

"I will, ate. Ingat po. Bye, kuya"

Isang sasakyan lang dala namin, kay xeno.
Dumaan muna kami ng supermarket para bumili ng stock, medyo malayo 'to kaya kampante kaming walang makakakilala.

"Upper basement" sya nagtulak ng cart namin hanggang sa marating namin ang sasakyan nya.

Nahinto ako sa paglalagay ng grocery ng marinig ko ang boses ni Aid.

"Seyah, can we talk?"

"Seyah, I'm sorry."

Mukang hindi nya napansin na may kasama ako.

Huminga ako ng malalim.

"Wala na tayong dapat pag usapan, Aiden."

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso.

"I'm sorry! I didn't want to hurt you."

"You already did." tinatanggal ko ang pagkakahawak nya sakin pero wala akong lakas na tanggalin iyon.

"I love you, Seyah. I love you so much!"

Umiyak na ako.

"Iniwan mo ko sa ere, Aid. Tapos ngayon sasabihin mo yan?"

"Seyah, don't" lumapit saamin si Xeno at tinanggal ang pagkakahawak saakin ni Aiden.

"Sya na ba pumalit saakin?" ang kaninang tupa biglang naging dragon.

"She's my wife. Stay away from her." maawtoridad na sabi ni Xeno at inalalayan ako papasok sa sasakyan nya.

Iyak lang ako ng iyak sa sasakyan ni Xeno. Wala kong paki kung anong gusto nyang isipin pero ito lang nakakapag pagaan sakin.

I Choose You [COMPLETED]Where stories live. Discover now