"Di mo talaga ako iiwan?" Tanong ko sakanya. "Oo nga! Kahit kelan. Kahit anong dahilan" sagit niya na ikinasaya ko.
"Sigurado ka ah!" Sabi ko naman.
"Oo nga! Ba't kasi ganyan ang pinag-tatanong mo sakin?" Tanong niya na ikina-tigil ko. "Wala lang. Naninigurado lang" sabi ko naman.
"Don't worry. Hinding-hinding-hindi kita iiwan. Kahit mag iba pa yang ugali mo.." why is he so sweet.
"..Bestfriend kita eh!" Dugtong pa niya.
Yan ang 'di ko gusto.
Yung pinapa-mukha mo saking bestfriend lang ang halaga ko sayo. Okay lang. Di naman masaket. Konti lang.
Mahal kita? Oo. Kasi ikaw ang palaging nadyan para sakin. Sandalan kita. And I always admire you for that. You gave me love when I wasn't feeling it. You made me feel loved. But.. love lang yon na..
Hanggang bestfriends lang. Okey lang. At least mahal mo parin ako diba? Wag niyo na tanungin kung pang-bestfriend lang ba. Basta mahal niya ako okey lang.
Ang martir!
'Di naman ako bulag sa katotohanan. Ayaw ko lang isipin yon.
BINABASA MO ANG
Falling For My Bestfriend
Teen FictionTanggap ko na. Tanggap ko ng bestfriend mo lang talaga ako. Eh ano naman? Yun ang totoo eh. Wala akong magagawa. Ang magagawa ko lang ay maging masaya para sayo. Para sainyo