Chapter Fourteen [The Day]

7 1 0
                                    

Akeisha's POV

Ngayon na.

Yung araw na..

Yung araw na ayaw na ayaw ko.

Yung aamin na siya..

"Mamayang dismisal keish ah? Wag kang mawawala." Sabi ni Zed. "Oo." Sabi ko at ngumiti sakanya.

Mamayang dismisal na kasi yung suprise daw niya sa babaeng gusto niya. Gustong-gusto niya.

Di mapakali si Zed kasi excited na daw siya para mamaya. Ako? Sana tumigil ang oras.

Btw, lunch na ngayon. Kaya pumunta kami sa canteen kasama si Reign.

Pagakatapos naming bayaran ay pumunta na kami sa bakanteng upuan ay shet wala ng bakanteng upuan! Kakainis.

"Oy kela Russel Funtello nalang tayo" sabi ni Zed. No choice ako, kaya pumunta na kami don. Di ko mapinta ang pagmumukha ni Reign kasi parang kinakabahan siya HAHAHA. Crush niya yan eh!

"Yow cap!" Sabi nung kaibigan nilang pangatlo na di ko talaga alam ang pangalan. "Wala ng vacant eh. Pwede dito?" Tanong ni Zed.

"Onaman. Sit dow, captain!" Sabi naman ni Romero. Si Funtello? Ayun kumakain lang at panay tingin na ipad niya.

Umupo naman kami dun. Hindi na inisa isa ni otor yung positions namin kasi daw useless daw yon. Tas tinatamad siya.

"Boys mamaya ah. Aasahan ko talaga kayo." Sabi ni Zed. Pinaalala pa nga. Tumango lang sila. Habang si Romero tinitingnan ako.

Tiningnan ko naman siya ng anong-tiningin tingin-mo-jan look. Umiling lang siya. Ulol talaga ang sarap manapak.

"Anong meron mamaya?" Tanong naman ni Reign. "Aamin si cap. sa lalabs niya." Sabi ni Romero. Alam kaya niya kung sino?

"Ayt. Alam ko na kung sino yan! HAHAHA napaka obvious naman." Sabi ni Reign. Napatingin naman si Zed sakanya. At napa iling.

"Sino nga? Sabihin mo nga?" Pag hahamon ni Zed kay Reign. "Edi si Akeisha! Sino pa ba?" Prangkang sabi ni Reign. Boshet na yan, tinatanggap ko na sana eh. Sorna marupok here T.T

Napatawa nalang si Zed. At sinabing, "tingnan natin mamaya.." bushet nayan ayaw kong umasa okey? Minsan na din akong pinaasa ni bespren Zed.

"Yieee." Asar pa ni Romero at yung isa niyang kaibigan. Tapos si Funtello nag smirk lang. Problema niyan?

Sinipa ko sa ilalim ng lamesa ang tuhod ni Romero. "ARAY NAMAN!!" Sigaw niya. "Masaket? Swerte ka at hindi sa ano yung sinipa ko!" Sabi ko naman sakanya.

Natawa nalang sina Zed.

"Oy bell na. Una na kami cap. Goodluck mamaya." Sabi nung isang kaibigan nila. Nag wave lang si Zed. At tuluyan na silang umalis.

[TIME SKIP]

"Goodbye class." Sambit ni ma'am at umalis na nagpalungkot saken. Last period na, sana di matuloy ang confession ni Zeddy. Sana umulan ng napaka-lakas.

Or sana lumindol para pauwiin na ang lahat ng studyante—ay shet napaka-bitter ko namna don. Hay.

"Tulala alert." Natauhan naman ako dun. Wala na palang tao. Pati si Zed at Reign wala na. Di nila ako hinintay? Tsk.

"Bwiset ka Romero. Alis nga! Lumabas kana don." Utos ko sakanya. Liniligpit ko na yung mga gamit ko. Nang bigla akong kinukulit ni Romero.

"Excited ka Keisha?" Tanong niya. Di ko lang siya pinansin at nagpatuloy sa pag ligpit ng gamit. "Malay mo, ikaw yung gusto ni cap! Wow napaka swerte! Tapos wala palang silbi yung pag iyak iyak mo sakin kahapo—"

Falling For My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon