Chapter Nine [Umaasa]

9 3 0
                                    

Akeisha's POV

Si L-lucas? Ba't siya nandito?

Lumingon ako sakanya.

Nakita kong ngumiti siya.. God, I miss that smile. Ba't ganyan? Niyakap ko siya. Yung sobrang higpit na higpit na higpit. I missed him ver very much!

Niyakap niya din ako ng mahigpit.

Nung kumalas na kami ng yakap ay muli ko siyang tiningnan. Ang iba na ng mukha niya. Ang laki niya na! Di na siya totoy!

Di ko napansin na napa-luha na pala ako.

"Oy ba't ka umiiyak Aki?" Tanong niya. Tae talaga siya! Sa isang tawag lang niya ng 'aki' saken lumilingon na ako.

"I-ikaw! Ba't di ka nagpaparamdam! Tapos ngayon ka lang nagpakita! Tapos sa ibang school ka pala! ang sama mooo!" At hinampas hampas ko ang dibdib niya na umiiyak.

"Aray naman Aki! Kasi nga gusto kitang sopresahin!" Sabi niya. "Sopresahin? Dapat kaninang before game sana! Di kita na cheer!" Sabi ko. Na umiiyak parin. Na miss ko talaga siyaa!

Hinahampas ko siya.

"Wow! Yan ba yung pag sabi sakin ng I miss you? Nang hahampas?.. well I miss you too!" Sabi niya. Aba? Ng asar pa? Tsk.

Niyakap ko siya ulit.

"Keish? Akala ko ba sa hallway tayo magkikita? Ba't iba na kasama mo?" Si Zed.

Kumalas ako ng yakap kay Lucas at humarap kay Zed. "Zeddy.. may ipapakilala ako sayo" sabi ko sakanya. "M-may ipapakilala ka? B-boyfriend mo?" T-teka? Ba't ganyan si Zeddy? Nag seselos ba siya?

"Pano kung oo?" Sabi ni Lucas. Ulol talaga to! Minsan kasi nag sesryoso si Zed sa alam niyang seryoso. And sa isip niya seryoso to.

"E-edi okay! S-sge Keish! Una na ako. Pahatid ka nalang sa boyfriend mo" sabi niya at nag-lakad palayo.

"Bwiset ka talaga kahit kelan Luc!" Luc—ang tawag ko kay lucas.. luk ang pagkakabasa mo dito.

Hinabol ko si Zed na hindi pa naman masyadong nakaka-layo.

"Zeddy.." tawag ko sakanya. "Oh? Ba't ka nandito? Ihahatid ka niya diba?" Bakit siya ganyan? Akala ba talaga niya na kami ni Lucas? No way!

"Zed, nagtatampo kaba?" Tanong ko nanaman sakanya. "Tss! Ba't naman ako magtatampo? Ang bestfriend ko lang naman, hindi sinabi sakin na may boypren na pala siya. Ba't ako magtatampo dun?" Tss! Ulol talaga tong si Zeddy!

"Di ko naman si jowa eh." Sabi ko sakanya na nag-pa enlighten ng mood niya. Jusko, ako ba talaga ang gusto neto? Sana.

"Eh?"

"Eh talaga dahil ang over acting mo." Sabi ko at natawa. "Hey bro, I'm Lucas.. Aki's long time bestfriend" sabi niya na nagpakilala kay Zeddy.

"Aki?"

"Ah! Yun ang tawag niya saken." Sabi ko kay Zed. Tumango lang siya. Nakipag-kamay naman si Zed.

"I'm Zed. Keisha's closest bestfriend" bakit feeling ko nag cocompetensya silang dalawa. "Closest huh?" Sabi ni Lucas at nag-smirk.

"Tumigil nga kayo! Gusto niyo mag-bonding tayong tatlo? Ngayon? Sa mall?" Tanong ko para tumigil silang dalawa.

Pano ba naman ang talim ng mga tingin nila sa isa't isa. "Sge!" Sabi naman ni Lucas. At sumabay nanaman din si Zed.

"Magpahatid tayo sa driver ko?" Tanong ni Lucas. "Wag na. Maglalakad nalang tayo" sabi ni Zed. "Wag! Mapapagod tayo" sabi naman ni Lucas.

"Arte mo! Maglalakad na tayo!" Sabi naman ni Zed. "Wag nga! May sasakyan naman eh! Ba't 'di gagamitin?" Sabi naman ni Lucas.

"Edi sa sasakyan ka! Maglalakad kami!" Sabi naman ni Zed. "Sasama si Aki sakin!" Sabi ni Lucas.

Para akong tanga dito naka-tingin lang sakanila. 😑—ganyan lang ang peys ko.

"KAYONG DALAWA! KANINA PA KAYO! Mag-jijeep tayo!" Sabi ko at hinila silang dalawa sa humintong jeep.

Mga ulol talaga! Iwan ko sila dito eh!

"Kuya, sa chuchu mall po" sabi ko at nag-abot ng bayad para sa aming tatlo. Ganito ang posisyon namin: si Zed, ako, then si Lucas.

Kasi mahirap na.

Nung umabot na kami sa mall, ay pinagtitinginan pa sila kasi nga naka-jersey pa sila. Marami tuloy tumitingin. Sila chillax lang ako naiilang sa mga matang tumititig.

Wala naman masyadong nangyari. Kumain lang kami sa Mandarin kasi maaarte ang mga kasama ko. Ayaw daw sa Jollibee kasi cheap. Eh noon naman ah? Kumakain kami sa Jobby? Tsk!

Nung palabas na kami ng mall upang umuwi, ay nag ring ang cellphone ni Zeddy. "Mom?...oh yes?.. ma, mamaya nalang, ihahatid ko pa si Keisa... mamaya nalang kasi!... aish! Oo na bye" at nakita kong in-off niya na ang cp niya.

"Keish, tinawag na ako ni mom eh. Pinapauwi na ako." Sabi niya na dismayado. "Ah! Sge. Okay lang nandito naman si Lucas eh" sabi ko at ngumti naman siya sakin. At umalis.

Habang naglalakad kami ni Lucas papuntang bahay ay nag chichikahan lang kami.

"Alam mo, sa tingin ko.. gusto ka ng lalakeng yun" sabi niya na ikinagulat ko. Huh? Seryoso? Pati siya? Hihi.

Napangiti naman ako. "Sa tingin mo?" Tanong ko ng nakangiti parin. "Oo.. teka—may gusto ka sakanya ano?" Tanong niya. Huuuu!

Tinatanong paba yan? Tsk!

"O-oo" pag-aamin ko. "Pag 'yon! Pinaasa ka! Baka balian ko yun ng buto" sabi niya. Yan.. namiss ko din yang pagiging ganyan niya.

"Bye Luc.! See you soon! Iloveyouu!" Sabi ko at niyakap siya. Nung naka-abot na kami sa bahay. "Bye aki!" Sabi nito at umalis. Ininvite ko naman siya na pumasok pero, baka daw hinahanap na siya nila tita.

Namiss ko talaga yung bestfriend ko.

Matagal tagal na kaming hindi nag-kita kasi yung family niya at family ko eh nagkaroon ng munting away. Pero ngayon.. okay na.

Wala na talagang away as in. Kaya yun ang dahilan kung bakit kami na separate sa isa't isa. Halos 2 years na nga eh.

Pero di parin nag sisink in sakin kung bakit naging ganun si Zeddy kanina. May gusto ba talaga siya sakin? Or umaasa lang ako?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N: Ika-siyam na chapter mga tao!

Falling For My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon