Chapter Ten [Shoes]

12 3 0
                                    

Akeisha's POV

Humiga na ako sa kama pagkatapos kumain ng hapunan. Medyo napagod ako kanina eh. Todo support pa naman ako.

AY HALA FUCKSHIT! Si Reign! Nakalimutan ko siya. Asan kaya siya ngayon? Naka-uwi na kaya siya?!

Naisip kong tawagan si Reign.

Calling Reign....

[hello? Keish?]

"Asan ka? Sorry talaga naka-limutan ko eh"

[ah okey lang.. naka-uwi naman na ako..]

"Ah! Sgesge! Buti naman. Goodnight Reign"

[Goodnight Keish—toot toot]

Hay buti nalang. Jusmeyo. Kailangan kong bumawi sakanya. Ang tae ko naman kasi eh.

Reign's POV

—the night before the game—

Nung isang isang gabi ay nagpasama ako kay Akeisha na bumili ng sapatos ni Russel and now.. I'm giving it to him. Medyo napagod ako kaninang umaga kasi nga diba? May work ako pag Week ends?

And now? Magpapakilala ako kay Russel. Nandito ako ngayon sa bahay nila. "Ano pong kailangan niyo ma'am?" Tanong nung guard nila.

"Ah.. si Russel po?" Tanong ko sakanya. "May I know po, sino po kayo?" Tanong nung gurad nanaman.

"Sabihin niyo nalang po na nasa labas si Reign.. Reign Vallez" sabi ko sa guard.. nag intay pa ako ng siguro 5 mins. Before may narinig akong magsasalita.

"Ano kuya? Reign daw?! Asan?" Narinig kong tanong ni Russel.. lumabas na siya. "I-ikaw? Ikaw si Reign?!" Pasigaw niyang tanong. Naalala pa pala niya ako?

"O-oo" sabi ko sakanya. Napa-ngiti naman siya. "B-bat ka nandito btw?" Tanong niya sakin. At napa-tingin sa box na dala ko.

"Uhm.. this is for you. I hope na yan ang isusuot mo bukas sa game" sabi ko ng naka-ngiti sakanya.

"Uhm.. may shoes na kasi ako" sabi niya na nagpa-lungkot sakin. "Aish! Sige na nga. Gagamitin koto bukas!" Sabi niya na nagpangiti nanaman sakin.

Pagkatapos nun ay umuwi na ako.

—the game—

Last 5 sec na. Naka Adonis Romero ang bola, yung bestfriend ni Russel. Todo sigaw ang katabi ko dito na ayusin daw ni Adonis.. HAHA! Nagtataka ako. Close ba sila? Kung oo.. ang swerte naman talaga ni Akeisha.

Napasimangot ako kasi akala ko kay Russel ang last shot. Yun pala kay Adonis pala 'yon. Pero masaya parin ako kasi ang suot na sapatos ngayon ni Russel ay iyong binigay ko.

Bagay na bagay sakanya.

Para akong girlfriend niya na proud na proud sakanya pero hindi eh. Isa lang akong hamak na tagapaghanga niya.

Sino bang di magkakagusto dun? Eh ang talented, magaling mag basketball, mabait, tapos ang gwapo pa.

Ay si Akeisha pala. HAHA! Ang laki ata ng galit nun kay Russel eh. Nag paalam si Akeisha kay Zed at saakin na mag-ccr daw siya. Tapos non ay sumunod naman si Zed kaya naiwan ako dito.

Nag-hintay ako sa bench. Mga 20 mins. Siguro akong naghihintay pero wala parin si Keisha. Baka, naunang umuwi? Siguro?

Kaya napag-desisyonan kong umuwi nalang.

Nasa harap ako ng school.. nag hihibtay ng jeep or tricycle na pwede kong sakyan.

"Hey.." napa-lingon ako sa tumawag sakin. "R-russel! Nandito ka pa pala?" Tanong ko. "Yes? Obviously?" Naka ngiti niyang sabi. Natawa lang ako. At ganun din siya. Ang gwapo niyang tumawa.

Shet.

I swear, ang awkward namin ngayon. "Uhm.. so ihahatid na kita?" Tanong niya. What? Ihahatid niya ako? Talaga lang ah?

"S-sure!" Sabi ko at yun sa wakas naka-kita kami ng tricycle na walang laman kaya yun ang sinakyan namin.

Nakakahiya nga eh kasi siya ang nag-bayad.

Nung nasa tapat na kami ng bahay ko ay nag paalam na siya. "Sge bye! Ingat!" Sabi ko at tuluyang pumasok sa bahay.

Ang ganda ng araw ko ngayon ah?! Msjehdnejejeineh!

Pagkatapos mag hapunan ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Di parin maitago ang kilig. Ang bait talaga ni Russel. Kahit noon pa.

Di ko alam kung bakit iba ang tingin ni Akeisha kay Russel eh mabait naman siya diba?

Nagulat ako nung nag-ring ang phone ko.. si Akeisha pala.

Tumawag siya dahil nakalimutan niya daw ako HAHAHA! Kahit kelan talaga nung babaeng yon. Di ko maitanggal ang tampo ko sakanya pero thankful parin ako dahil si Russel ang nag-hatid saakin.

Ang sweet talaga ni Russel. Kaya yun talaga abg nagustuhan ko sakanya noon pa. He's kind and sweet.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N: sorry sa maikling chapter na 'to. Ito kasi yung point of view ni Reign simula nung binigay niya ang shoes na binili niya kay Russel. How sweet.

Falling For My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon