Akeisha's POV
Monday na ngayon and, oo natuloy ang pag simba namin ni Zed kahapon. Wala naman masyadong kakaiba sa pag-labas namin kahapon.. nag-simba lang kami then kain sa labas..
Pero may nasabi siya na talagang nag-papaisip sakin hanggang ngayon:
"What if aamin na ako sa taong gusto ko?"Takte.. talaga! Aamin na siya saakin guys. Support naman..
Pero seryoso.. di ko naman talaga alam kung ako yung gusto niya or ibang babae.. di ko na siguro alam kung ibang babae ang magugustuhan niya. Ewan ko nalang talaga.
Pero, diba sabi niya na pang-kaibigan lang daw ang turing sakanya? Sino pa ba 'yon? Edi ako?.. wala naman siyang ibang kaibigang babae eh yung close talaga niya.. ako lang naman.
Kaya confident akong mutual ang feelings naming dalawa. Tsk!
Kung tinatanong niyo kung anong sinabi ko sakanya? Wala akong sinabi. Nag-change topic ako pagkatapos nun. Ang awkward naman diba?
Back to Earth.
Asan na ba ako? Aw oo nga pala. May game ngayon sila Zed ko. Mga 6:00 ng hapon daw. And 5:42pm pa lang naman ngayon.
'Di ko na kasama si Zed kasi nagwa-warm up na siguro sila sa gym. "Anong bibilihin naten? Crackers? Soda? Gatorade para sa kanila?" Teka? Ba't pa natataranta 'tong si Reign?
"Ano kaba? Easy lang! Para namang ulol eh" sabi ko kay Reign. Kaya kinuha niya nalang lahat ng gusto niyang dalhin.
Ako kumuha lang ako ng dalawang sandwich, dalawang soda at isang gatorade para kay Zeddy.
Pagkatapos namin mag-bayad ay tumungo na kami sa GYM.
"SEDIX! SEDIX! SEDIX!" Sa labas palang ng gym naririnig ko na ang sigaw ng mga school mates namin.
Pumasok na kami sa loob.
Sa pinaka-harap kami naka upo malapit sa players namin. Dahil dun kami ni-reserve ng captain na si Zed ko.
"Goodluck ZEDDY!" Sigaw ko sakanya habang nag-wawarm up sila. Kinindatan naman ako ni Zed.
"SHETE TALAGA YANG BESTFRIEND NI ZED!! PARANG JOWA EH HINDI NAMAN!" May narinig akong nagpaparinig sa likuran ko.
Tiningnan ko siya at inirapan.
"May sinasabi ka?" Sabi ko sakanya. "Ah.. w-wala! Joke lang! Di ka naman mabiro" sabi niya at tumawa. Inirapan ko siya ulit. Tsk!
"Nays wan ka dun" at natawa nalang kami ng sabay ni Reign. Mas malakas talaga ang ang hiyaw ng Mga taga-dito kaysa sa kabilang team kasi nga dayuhan lang sila dito.
"SED. WARRIORS! SED. WARRIORS!" Sigaw naming lahat. "AXSTON! AXSTON!" Sigaw naman nung mga taga ibang school.
Ayun nag start na ang game.
Hindi na pina-introduce ang mga names! Ang sama naman eh! Noon nga pina-introduce lahat ng players. Pero ngayon 'di na.
Ang first five sa Team natin ay: Si Zed, si Funtello, si Romero, yung isang kaibigan ni Romero at si Mong—yung di ko masyadong kilala na player.
At lima din sa kabilang grupo na 'di ko naman kilala ang mga players.
Di ko naintindihan ang game. Di ko naman kasi sport ang basketball eh. Basta ang alam ko lang agaw, pose, shoot. Yun lang naman ang nangyayari.
Pag nakaka-puntos sina Zed, naghihiyawan. Pag ang kabila naman ang nakaka-puntos nagsisimangutan. Yun lang ang ganap sa mga Audiences.
Ngayon. Nakay Zed ang bola.
BINABASA MO ANG
Falling For My Bestfriend
Novela JuvenilTanggap ko na. Tanggap ko ng bestfriend mo lang talaga ako. Eh ano naman? Yun ang totoo eh. Wala akong magagawa. Ang magagawa ko lang ay maging masaya para sayo. Para sainyo