15

585 18 2
                                        








"Ano kaya susuotin ko? Hmmm... Ang hirap naman mamili" pagrereklamo ko habang nakaharap ako sa mga damit nakasabit sa cabinet

Sunday ngayon. Nagiisip kung ano susuotin ko para mamaya dahil magsisimba kami ni mama sa simbahan.. malapit lang ito samin. Dahil lilipat na ako ng manila bukas for dorm. After few months, I'm officially flight attendant again at Manila Air. It's low cost airline it means mababang presyo lang yun ticket for destination. And yun route sa airline na yun more on domestic sa pilipinas and some international. Nadismaya nga ako dahil akala ko paguwi ko galing flight ay didiretso ako sa bahay at makakasama ko pa si mama pero hindi. Kinakailangan ko talaga manatili sa manila. But since hindi diretso yun flight ko pwede ako umuwi ng cebu pero nakadepende ito sa flight schedule ko. Naiitindihan ni mama yun. She's really understand what I'm doing right now.

Tapos na ako magimpake. Dinala ko lang yun necessary stuffs the rest maiiwan ko yun hindi ko kailangan, itatago ko lang dito sa room.

Biglang sumagi sa isip ko yun nanyari sakin few months ago. Yun taong naghatid sakin dito pauwi after ko malasing sa samgyup. Gusto ko sana magpasalamat sa kanya sa kagagahan ko kaso nga lang sabi ni mama hindi niya namukhaan yun tao na yun. Basta lalaki siya tapos naka uniform siya ng piloto daw? Hindi niya tinanong tuloy yun name dahil medyo nagulat si mama sa nanyare sakin biglaan ako umuwi.. nakalimutan pa niya itanong yun name ng tao eh.. eh suprise ko sana yun eh kaso nauwi sa wala haist. Lasing pa more Sanya ah.

Ipagdasal ko na lang kay Lord upang magpasalamat ako sa taong hinatid niya ako ng pauwi samin. Sana makilala ko siya in personal para bumawi ako sa kanya. Guy eh.. woah napakagentleman niya kung ganun.

Excited na ako magchurch ngayon gusto ko na magpray kay Lord upang mag thankyou sa lahat ng pinagdadaanan ko sa life ay nilagpasan ko na. I wear long sleeve floral dress. Flat sandal. Small backpack. Nakalugay yun hairlalu ko with bouncy bangs and simple makeup lang. Diba girly na girly? Joke.

"Ma ano itsura ulit yun guy na naghatid sakin pauwi? Nung lasing ako nun?" Tanong ko ulit kay mama habang naglalakad kami papuntang simbahan

Natawa ng marahan si mama dahil kinilig ito sa tanong ko

Kumunot agad yun noo ko sa reaction niya

"Ma naman" pagpigil ko

Ngumiti lang siya at inaalala ulit yun nanyari noon "naka uniporme siya ng piloto... Oo nga piloto yun.. may itsura siya.. maputi.. matangos ang ilong.. maganda pagkaguhit ng kilay.. maganda yun mata niya.. yan ang pagkatanda ko eh" kwento niya

Imbis na kiligin ako sa itsura nun na nilarawan ni mama mas lalo ako nacucurious kung ano pangalan ng guy. Ito ba naman si mama hindi man niya tinanong kung ano name yun. Tapos ito pa si Mr. Guy eh.. umalis agad. Famous kaba Mr. Guy? Choz. Nakakainis ka eh huhu. Choz! Peace! Hahaha

"Hindi mo talaga tinanong ma kung ano name yun?" Tanong ko habang nakanguso dahil gusto ko na malaman yun

Umiling si mama sabay nagkibit-balikat sa tanong ko

Nagbugtong hininga na lang ako "hayaan mo na lang ma, magpasalamat na lang ako sa kanya if ever magkita kami nun" sabi ko

Hindi alam ni Sanya na si Sandro ang naghatid sa kanya pauwi noon.

Nung nakarating na kami sa simbahan, nasalubong namin yun kaibigan ni mama.

Nagyakap at beso beso sila. Siguro church buddy ito ni mama. Nung nakita niya ako tsaka ko binati at nagmano bilang respeto sa nakakatanda.

"Nak, mauna ka muna pumasok" bilin sakin ni mama. Alam ko mag chika chika muna sila nito.

Tumango ako at sinenyasan ko na sumunod na lang siya tsaka na ako pumasok sa loob ng simbahan.

Old structure ang itsura ng simbahan. Parang nasa italy ako besh, napakaganda sobra kahit medyo lumang luma na. Old classic din yun style sa loob ng simbahan wala din pinagbago. Nasa entrance pa lang hinampas agad ako ng kamanghaan at presensiya ng pag-ibig.. ako si Juliet wala nga lang si Romeo. Oh romeo? Where are you? Dito na me.... Choz!

Bago pumasok si Sanya sa loob, napahinto muna siya sa stoup sa entrance ng simbahan. Sa hindi inaasahang nanyari, napahinto din si Sandro sa entrance. Kasunod niya sa pagtapak ni Sanya sa simbahan. Magkabilaan silang dalawa sa isang stoup na hindi magkasalubong ang kanilang dalawang mata na makita. Nauna si Sanya mag sign of the cross at pumasok siya agad nito. Nahuli din mag sign of the cross si Sandro at pumasok din siya. Sila'y nagkatagpo ulit sa dalawang pagkakataon na hindi nila namamalayan. Tsaka lang sila nagkatagpo sa isang landas kung kelan si Sanya ay nakamove on na siya kay Sandro nun panahong iyon.

Noong dumadaan, di namamalayan....

Nasa right side nakapwesto si Sanya na malapit sa altar. Si Sandro naman nasa left side siya nakapwesto na may kalayuan konti sa altar. May kalayuan distansya sa isa't isa. Silang dalawa ay nagdadasal sa harap ng diyos sa nag-iisang simbahan. Kahit hindi sila nagkita, sila'y pinagtagpo ng tadhana na plinano ng Diyos. Lumuhod agad si Sanya at nagdasal habang si Sandro ay nakaupo at nakatingin sa altar. Sumulyap si Sandro na nakatalikod si Sanya pero hindi niya alam na siya yun babaeng hinatid niya pauwi sa kanila noon.

Pagkaupo ko, agad ako lumuhod at sinimulan kong magdasal.

"Lord, thankyou so much po dahil nakatapak ulit ako dito sa simbahan. Na kung saan dito ako nagsimula magsimba nung bata pa ako hanggang sa paglaki ko. Lord patawarin niyo po ako dahil bihira ako nakapagsimba simula nun umalis ako dito sa pilipinas papunta sa ibang bansa at medyo busy ako sa trabaho. Kahit nagdasal lang ako sa bahay pero iba din po kapag nagdasal mismo sa simbahan. Alam ko na naiitindihan yun reason ko po eh. Lord patawarin niyo po ako sa aking kasalanan at pagkululang ko po sa inyo. Tsaka thank you din po dahil nilampasan ko ang mga worst pagsubok na dinanas ko. Alam ko na hindi manyayari yun. Lord gusto ko din magpasalamat sa guy na naghatid sakin pauwi na hindi ko alam, lord sana makita ko siya kung sino talaga siya yun.. magthank you po ako sa kanya dahil sa kabutihan ginawa niya compare sa ibang guy... Lord? Focus muna ako sa work before ako magkalove life kahit matanda na ako hehe.. thankyou so much po ah... Amen" nag sign of the cross na ako tsaka umupo na hindi ko namalayan katabi ko na si mama

"Anak ano dinadasal mo?" Agad tanong sakin ni mama

Umiling ako "secret.. basta i guide lang ako ni Lord sa susunod na challenge na ibibigay sakin" ngiting tugon ko

Agad sumandal siya sa balikat ko "anak kung ikakasal kana sa lalaking nakalaan sayo.. gusto ko sa simbahan kayo, para harapin niyo ang Diyos satin na kayo talaga para sa isa't isa" mahinahong bilin sakin

Tumawa agad ako ng marahan dahil sa sinabi niya "Ma" nilakihan ko siya ng mata "focus muna ako sa work bago lablyf jusko ma" hiya sabi ko

Tumingin ako sa altar at iniisip ko bigla yun sinong lalaki na nakalaan sakin? Hay gusto ko na siya makita.. charot.. work muna ako hehehe

Agad umalis ang magina at naiwan si Sandro sa loob. Lumuhod siya at nagdasal.

"Lord, thank you for this day. Thank you dahil nakapagchurch na naman ako dito. Lord please guide me while I do the important things. Please give me strength and wisdom this week. Lord, I hope na magiging okay kami ng Dad ko after long years without connection. I hope that he understand and accept my passion ever since. I know na magagawan mo po iyon ng paraan and the rest wala na po ako hihingiin sa inyo. Please guide me Lord ah... Thankyou so much for the blessing that you gave me.. amen" nagsign of the cross ako at lumabas na ako ng simbahan






Minsan, si tadhana... Mahilig gumawa ng eksena ng hindi alam yun dalawang tao na pinagtagpo sa isang landas na hindi namamalayan. Hindi sasabihin ni tadhana ang sagot sa tanong. Mahilig talaga magsuprisa si tadhana. Tadhana knows the flow of the story by two people in this world.

Si Sanya at Sandro ay pinagtagpo ulit ngunit hindi sila nagkita.



































Naniwala kaba sa tadhana? O sadyang napadala lang tayo sa thoughts and feelings?

Aviation Avenue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon