"8 large size of Coffee jelly with creamy po" sabi ko sa cashier
"Okay ma'am. 680 pesos po. Please wait your order po Ma'am ah" sabi ng cashier
Ngumiti ako at umupo sa counter stool sa counter table sa side
Nasa coffee shop ako sa Airport. Bumili ng drinks for meryenda. Bigla ko naisip na itreat ko yun mga kasama ko sa headquarters. Imbis para sakin yun binili kong meryenda. Napalibre ko sila in the end. Wala lang, nasa ugali ko talaga maglibre. Walang akong flight ngayon. Naka field reserve duty ako ngayon sa airport. Naka 2 hours na ako dito. Maya maya pa yun out ko tamang waiting lang ng bakanteng flight kung hindi pumasok yun isang cabin crew if ever lang. Mas piliin ko magstay sa airport kaysa sa bahay nakakalungkot naman, lalo na ako lang mag-isa. Wala si Danah ngayon ng 3 days naka layover siya sa Toronto.
Kinuha ko yun order ko. Nakalagay sa coffee cup holder at binitbit ko na ito. Bahala na talaga kung sino bibigyan ko ngayon. Para magkaroon man ako ng friends sa other crew eh. Since bago pa lang ako sa airline.
Pagdating ko sa headquarter agad ko sila inoffer sabay nilapag ko sa table. Sila'y nagulat dahil hindi nila inaakala na nilibre ko sila. Halos abot tenga ang kanilang ngiti dahil sakin kasi mamahalin yun inorder ko kaya ganun.
Bale 2 na lang ang natira sa table yun coffee jelly. Konti talaga kami dito sa headquarter kasi yun iba may flight na maya maya, yun iba naman dito naka field reserve duty. Medyo konti nga kami.
"Sanya doon oh" sabay turo sa dalawang piloto sa kabilang table "Ibigay mo kina Capt. Greg at Sandro yun dalawang natira na coffee jelly baka matuwa sila" suggest sakin ni Bea.
Ngumiti ako dahil nandoon si Sandro nasa kabilang table. Pagkakataon ko na makausap ko siya in person waaaah! Kilig please! Wag ka muna makisama ah huhu.
Tumango ako sabay kinuha ko yun dalawang cup ng coffee jelly na nakabukas na. Agad ako kinakabahan dahil lalapit ako kay Sandro. Pagkarating sa kanilang table. Magkalayo sila ng pagitan ng upo. Una ko binigyan si Capt. Greg
Nung tinawag ko yun name niya agad nagulat dahil binigyan ko siya ng large size ng coffee jelly "salamat miss Sanya ah" sabay nag cheers sakin at ngumiti. "Welcome po Capt" masayang sabi ko.
Sunod pinuntahan ko si Sandro. Hawak niya yun mga papel na binabasa niya for his flight. Agad nakawala si katinuan sa katawan ko at napatulala ako sa kanya. Lumilipad ng mga paro paro sa bituka ko at malakas na tibok ng puso ko. Ano unang word na sasabihin ko sa kanya? Teka daming naglalaro sa isip ko. Biglang nag out of blue ko. Dugdugdugdugdug
Until
Unting hakbang na lang nasa tapat ko siya ng biglang natapilok yun right foot ko sabay nabitaw yun hawak kong cup at nabuhos yun coffee jelly sa kanyang puting uniporme at nabasa din yun hawak niyang papel na binabasa niya. Muntik na ako mabagok sa sahig dahil agad sumuporta yun dalawang braso ko. At napabagsak yun pwetan ko sa sahig "aray!" Agad kong tinignan si Sandro. Nabuhusan ko nga siya. Halos kalat ang mantsa sa uniporme niya. Nadamay din yun mga papel na nabasa din. Halos lahat ng papel ay basa na at nakalat pa sa sahig.
Yumuko si Sandro naistatwa siya sa kinaupuan niya. Agad ako tumayo at agad ko pinulot yun mga nabasa na papel. Grabe kalat ng likido sa sahig kasi large size yun eh.
"S-sorry po Capt" pagtarantang paumanhin ko
"Get out my way miss" mahinang tugon niya at nakayuko pa din
Hindi ko siya pinapakinggan at lumapit sakin yun ibang kasamahan na tulungan akong pulutin iyon. Nakaramdam ako ng pilay dahil sa lakas ng impact ng pagkabagsak ko sa sahig dahil sa pagkatapilok ko. Wala ako pake kung napahiya ako. It's my fault eh. Agad ko kinuha yun panyo sa pocket ko at pinusan ko agad sa braso niya na nadamay sa kalat.
"S-s-sorry p-po t-talaga Capt hindi ko po ta-talaga sinasadya po" tarantang ko pinunasan yun braso niya until...
"GET OUT MY WAY! Didn't you understand what I say?" His thunder voice. Agad ako napako sa kinatayuan ako. Biglang tumahimik lahat sa loob ng headquarter at napatingin lahat sila samin.
"You didn't know how important it is!?" Mas lalo dumiin yun tono ng pananalita niya habang nakatingin siya sakin ng masama.
Mas lalo ako nagulat sa sinabi niya. Agad ito inawat ni Capt. Greg si Sandro sa galit niya. Pinakalma agad ni Capt. Si Sandro para hindi niya ako sigawan ulit. Agad ako napaatras nung sinagawan niya ako. Bakit mo ako sinigawan? Hindi ko ito inaasahan ng gantong panyayari. Hindi ko naman talaga ito sinasadya eh.
Yumuko ako ng dahan dahan at biglang tumulo ng luha sa mga mata ko "pasensya na po Capt." Agad ako umalis sa harapan niya at tumakbo ako agad papuntang CR. Wala ako pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Bakit kasi ang layo ng CR sa airport eh.
"Sanya. Lumabas ka dyan oh" pagmamakaawang sabi sakin ni bea na nasa loob ako ng cubicle sa cr na nakaupo ako sa toilet. Umiiyak.
"Okay lang ako Bea... hayaan mo muna ako" sagot ko habang hagulgol sa pagiyak
"Eh.. hindi ka okay eh..."
"Hindi mo talaga sinasadya yun gurl. Dapat hindi ka sinagawan ni Capt. Eh hays grabe naman siya" dagdag niya
"Okay okay lang ako Bea. Kaya ko naman ito eh" sabay singa sa panyo. Bakas ang makeup ko sa panyo dahil medyo basa yun mukha ko sa kakaiyak. Tanga tanga mo kasi Sanya eh dapat nagconcentrate ka sa ginagawa mo hindi yun kilig ang uunahin mo. Kaya ayan tuloy. Sinigawan ka tuloy ni Sandro. Biglang namanhid yun buong katawan ko. Wala ako sa sarili. Hindi parin nagsink-in sakin yun nanyari kanina. Medyo nakakahiya.
Sinasampal sampal ko yun sarili ko sa inis at panghihinayang. Naiitindihan ko yun point ni Sandro eh. Nagmumukhang tanga ako tuloy sa headquarter kanina. Nakakahiya, nakakahiya talaga. Fangirl ako sa kanya noon. Matagal ko pinapangarap na makita ko siya sa personal tapos may ganto pa nanyari. Mas lalo nandurog yun puso ko. Ano ba yan universe ano ba purpose nito na saktan ako ng todo?
.
BINABASA MO ANG
Aviation Avenue
RomanceSanya was a flight attendant at Manila Air. She love her work so much. While in the middle of her aviation journey, she met a pilot at Aviation Avenue unexpectedly. Who is the pilot that she met?