"Good morning!" Masayang bati ko kay Danah na kakarating ko lang sa headquarter.
Few weeks later. Masaya ang work ko sa Manila Air. Ngayon lang ako nakapag-explore sa buong pilipinas. Kahit galing ako ng international airline sa ibang bansa, need ko talaga muna mag-flight sa mga domestic destinations. Ganun ang rules sa airline. Mas okay yun sakin at least short flight hour at hindi ako medyo mapapagod. Naeenjoy ko nga eh and also makakasama ko pa si Mama everytime uuwi ako ng Cebu.
Yun nga lang, malaki ang adjustment ko for passengers. Alam niyo ba bakit? Kasi hindi sila nakakaintindi ng english kahit basic words huhuhu.... Napaenglish deep ako tuloy sa kanila na wala sa oras. Kaya ngayon sasanayin ko na yun sarili ko na magsalita ng tagalog at ibalik ko yun tagalog accent ko..
Filipino ka Sanya. Not amerikana okay? Wag echoserang frog ghorl
6 am nasa headquarters kami dahil may short meeting kami for duty, safety.. etc... Basta related siya sa aircraft at sa gagawin namin as cabin crew/pilot. 7:30 am yun flight namin.
4 legs kami ngayon ( Manila-Bicol, Bicol-Cebu, Cebu-Bacolod, Bacolod-Manila )
Okay. Ready na po kami mapagod sa flight pero keri langs! Para sa ekonomiya pak! Charot!
Kami pa lang ni Danah sa Headquarters. Nauna siya ng dating at ako yun sumunod sa dating. Kaya chika chika muna kami bago dumating yun iba namin kasama.
"Good morning din!" Bati din sakin ni Danah
Napabugtong hininga si Danah "Hay" agad yumuko "ito na naman po tayo sa 4 legs ngayon hohoho" panimula niya
Agad ako napatingin sa kanya at nag-alala "bakit naman?" Sabay kumunot yun noo ko
"Medyo nakakawasted yun 4 legs. Oo nga short flight hours yun... Pero kasi.. nakakapagod talaga yun..." Tumingin siya sakin "buti ka pa noh? Still energetic ka parin kahit naka 4 legs ka in one day" reaksyon inggit na inggit ang tugon niya sakin
Naglinya yun labi ko sa kanya at tumingin ako sa pader ng kalayuan "nako, kung tutuusin... Danah" panimula ko
Napatingin siya agad sakin
"Anong kung tutuusin?" Tanong niya
"Mas worst ang long flight hours like 12-22 hours eh... Kasi sa dati kong pinagtrabuhan ng airline sa New York. Madalas kasi ako nakaduty sa malalayong destination, kaya kahit one flight ako in one day, medyo nawasted ako dun dahil sa sobrang haba ng oras eh plus may maarteng passengers pa... Hindi talaga pwede magreklamo kasi Flight attendant ako.. sinusunod namin yun rules ng airline" sabay nagkibit-balikat ako
Tumango siya "kung sa bagay" sabay tumingin din siya sa pader ng kalayuan
Nasa loob na kami ng aircraft. In 20 minutes dadating na yun mga passengers. Naka-assign ako sa galley. Tamang check check lang ng mga pagkain for serving later while in the middle of flight.
"Pssst!" Kalabit sakin ni Danah na wagas nakangiti
Liningon ko siya at kumunot yun noo ko "ano yun Danah?" Pagtatakang tanong ko
"Thankyou ah?" Sabay kinuha niya ang dalawang kamay ko
"Para saan?" Pagtatakang tanong ko ulit
"Medyo ko narealize na short flight hours yun legs sa flight at hindi siya worst.... Siguro napakain lang ako sa negative thoughts kaya napa unmotivated ako na wala sa oras. Dapat pala ienjoy ko yun mga flights na binigay sakin. Dapat hindi ako magreklamo at iisipin always na nakakawasted yun ilang flights sa isang araw. Dapat happy ako sa work ko"

BINABASA MO ANG
Aviation Avenue
RomanceSanya was a flight attendant at Manila Air. She love her work so much. While in the middle of her aviation journey, she met a pilot at Aviation Avenue unexpectedly. Who is the pilot that she met?