Muntik maibuga yun ininom ni Stella dahil sa sinabi ko "Ano? Seryoso ka?" Agad tanong niya
"Uy weh???" Singit ni France
Tumango na lang ako sa kanila imbis ipaliwanag ko sa kanila yun dahilan. Habang si Zara naka smirked dahil alam niya yun decision ko.
Nasa coffee shop kami. Si Zara ang nagyaya na libutin namin yun buong London dahil 2 days and 1 night yun layover namin. And since nakapagdesisyon ako na magleave sa airline na pinagtrabuhan ko at babalik na sa pilipinas dahil dun na lang ako magapply sa local airline. Nakapagdecide si Zara na magbonding kami... Last bonding ko ito with them.
Kahit tumango ako sa tanong nila. Pinilit nila ako magpaliwanag kung bakit.
Look straight forward sakin si Stella hindi siya nagkutento sa tango tango kong sagot. Gusto niya marinig yun boses ko para magexplain "huwag ka nga tumango tango dyan explain mo naaaaaaa" pagpilit niya sakin
Ngumuso agad itong si Frances "oo nga gurl ano ba dahilan?" Parang bata nakikinig sakin kung makainteres siya wagas
"Namimiss ko kasi----" hindi ko tinapos ang sasabihin ko nung nagreact agad si Stella at nagsalita agad
"Ah namimiss mo yun boypren mo?" Sabay taas ng isa kilay niya at sinabunutan agad ni Frances si Stella "teh nagsisimula pa lang siya ng explanation. Pakinggan muna natin" sabay nilakihan ito ng mata sa kanya para tumigil.
"Ouch!" Inarteng reklamo ni Stella
"Gurl. Hindi pa tapos magexplain si Kristel siya muna gurl, kalma gurl" singit ni Zara sabay rolled eyes kay Stella
Agad tinaas ang kamay ni Stella parang susuko na "oo na oo na sorry na po" agad tumahimik
"Sige tuloy mo na" sabi ni Frances
"Since apat taon na ako nagtrabaho sa ibang bansa, gusto ko na bumalik sa pilipinas dahil sobrang miss ko na yun pamilya ko tsaka pagod na ako mabreakdown sa ganun bagay siguro ito yun sign na hindi ako nababagay dito. Gusto ko na makasama yun mahal ko sa buhay lalo na yun mama ko kasi need niya ng kasama. Kahit never ko narinig sa kanya na umuwi ako... Nararamdaman ko yun puso at kaluluwa ko na gusto ko siya makapiling habang tumatanda na yun mama ko" paliwanag ko
Tumango tango sila maliban kay Zara habang nagpapaliwanag ako
"Besides, kapag bumalik ako dun.. magapply ako sa local airline namin kaya paguwi ko after ng flight uuwi ako sa kanila... Makasama ko pa sila" patuloy ko
"Kung sa bagay" tango ni Frances
"Ako din naman, pero mas piliin ko dito kasi need ko maitaguyod yun pamilya ko eh" singit ni Stella
Inakbayan ako agad ni Zara "Naiitindihan ka namin... Support lang kami sa gusto mo" sabay tinaas ang parehong kilay sabay ngiti sakin means agree siya. Ngumiti at tumango lang ako
"Mamimiss ka talaga namin!" Singit ni Frances
"Bye! Bye! Ba-bye! Hindi ka namin makakalimutan" pilosopong pamaalam ni Stella na kumuway sakin
Binatukan agad ni Frances si Stella "loko ka! Plastic ka?" Sabay rolled eyes
Tawanan kaming lahat
Tinignan agad ni Zara yun relo "O siya! Siya! Let's go! Gala na tayo habang maaga pa!" Pagyaya niya
"Oo nga! Last bonding natin kay Sanya!" Masayang sabi ni Frances
Tawanan kaming lahat
Kung saan saan kami napadpad sa london. Lahat ng tourist spot sa london ay pinuntahin namin. Si Stella tamang nagvovlog na kasama kami dahil iupload niya sa youtube bilang memories. Habang nagadventure kami nagmumukha akong tanga sa ngiti ko... Parang kababa ko lang ng bundok sa sobrang hanga na nakikita ko sa London.
First timer girl?
Kahit ilan beses na ako nakapunta dito hindi ko rin maiwasan talaga yun excitement at ngiti ko. Syempre! Dream destination ko talaga makapunta dito sa London eh.
Habang gumagala kami biglang may sumagi sa isip ko.... Yun lalaking patay na patay ako sa kanya noon... Hindi ko na maalala kung ano name niya??? Alam ko yun itsura niya.. pero hindi ko na matandaan... Ah si Sandro.... Still naglalakad kami sa pinuntahan namin patungong susunod na destination... Kusa hinanap yun puso at isip ko na hanapin ko siya... London boy siya diba? Umiiling ako agad at blinink yun mata ko.... Bigla naglaho yun feelings ko...
Argh! Erase! Erase! Erase! Erase!
Clear! Clear! Clear! Clear!
Delete! Delete! Delete! Delete!
"Isip naman kayo for our next destination natin before tayo umuwi" panimula ni Zara
Napahinto kami sa Books and Coffee near sa tower bridge. Nagbreak muna kami galing sa galaan.
Napaisip ako kung saan pwede pumunta. Si Stella naman binasa yun mapa ng london habang si Frances gumamit ng google map para magsearch for other places.
After ng ilan minuto may pumasok agad sa isip ko "Guys alam ko na kung saan tayo after nito" pagkabasag ko ng katahimikan
Agad sila tumingin sakin
Kumunot yun noo ni Frances "Where?"
"Sa Aviation Avenue maganda dun! Katabi lang siya ng Aviation Museum of British... Maganda dun promise!" Sabay tinaas ko ang isang kamay "since F.A tayo magugustuhan niyo dun maniwala kayo sakin!" Paliwanag ko
Tumango sila means payag sila
Agad kami tumayo at umalis tsaka sumakay na kami ng bus papunta dun.
Nun nakarating kami sa Aviation Avenue agad sila namangha dahil sa gandang structures at booths. Aviation theme talaga parang ako nasa mundo ng mga eroplano... Habang binubusog ang mga mata namin sa kakatingin... Napahinto ako agad sa may nagtitinda...
Puro bracelets na may design small silver airplane sa gitna. Medyo nagandahan ako.. bigla ko naalala na bilhan ko ito para kay Yuki. Since babalik na ako sa pilipinas bilhan ko siya bilang pasalubong...
"Nasaan yun dalawa?" Tanong ko kay Frances
"Nandun sila sa boutique tumitingin" sabi niya
Habang naglalakad kami papunta sa kanila bigla may napansin akong lalaki na lumampas samin. Teka. Familiar sakin yun ah. Napalingon ako na wala sa oras. Para akong bata sa kakalingon ko na gusto ko siya puntahan
"Gurl! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Pagkabasag ni Frances sa tulala ko.
Sabay bumalik ako sa katinuan at patuloy sa paglalakad
Biglang bumilis yun tibok ng puso ko dahil sa nakita ko...
Siya ba yun nakita ko? O nagmamalik mata lang ako?
Sandro
"Sandro! Ace! Sunod kayo samin ah!" Sabay kaway at sigaw samin ni Lara
Nasa Aviation Avenue kami pinasyal ko dito yun mga kasama kong crew sa airline. Dahil may new destination yun airline namin which is yun London.
Tuwang tuwa naman sila dahil nakatapak sila dito. Ako ang nagsilbing tour guide nila dahil kabisado ko parin dito
"Kabisado mo parin ah?" Tanong sakin ni Ace
"Yeah, I still remember this place" I replied
Si Sandro yun Sanya!
Uy nagkrus yun landas nila hahahaha yieeeThankyou for reading :)
BINABASA MO ANG
Aviation Avenue
RomanceSanya was a flight attendant at Manila Air. She love her work so much. While in the middle of her aviation journey, she met a pilot at Aviation Avenue unexpectedly. Who is the pilot that she met?