27

537 18 1
                                    







When the days passed by, Sandro and I still holding our precious friendship. Habang tumatagal, lumalalim yun pagkakaibigan namin. Everytime magkasama kami palaging masaya, nagdadamayan sa tuwing may problema, hindi nauubos yun topic kapag may kwentuhan bawat isa samin, hindi mawawala samin yun kasweetan. No words I express from my feelings. Wala na ako hihilingin pa. It was unexpected.

But, there's some questions that wanna ask on my mind. Ano ba kami ni Sandro? Yan ang paulit ulit na tinanong sa isip ko. Sa totoo lang hindi pala pagiging fangirl ko sa kanya kundi may nararamdaman na ako sa kanya. Sa simula pa lang which is yun nagkrus yun landas namin.



"Sanya nandito na yun sundo mo" sigaw ni Danah sa labas ng kwarto


Nagmamadali akong nagprepare dahil late ako nagising. Yes, kulang na naman ako sa tulog. Kdrama is life. Agad agad ako bumaba nang makita ko binuksan ni Danah yun pinto para sakin.

Agad ko nilapitan ito "alis na ako salamat" sabay niyakap at hinalikan ko sa cheeks. Agad ako sumakay ng kotse papuntang airport.

Habang nasa biyahe, ako lang mag-isa hinatid ng service papuntang airport. Today domestic yun flight ko. 4 legs. Hindi ko maiwasan aalahanin na itext ko si Sandro. Kaninang 1 am siya umalis. Hinatid ko siya dahil may flight siya ng Madrid, Spain mahaba haba yun flight. I decided to text him.

Sandro💙                                    📞  ℹ️

Today 9:48 AM

Hiiiii ingat ka sa flight ah? Take care ☺️



"Uy! Ayos ka lang?? Tamlay mo ngayon" pag-alala ni Claire nang makita niya wala ako kabuhay buhay. Nakayuko lang ako sa table habang hinihintay yun flight namin.

Tumango ako "oo, kulang lang ako sa tulog" sambit ko. K-drama pa more Sanya ah.

"Rinig ko kanina gurl may bago tayo makakalipad ngayon. I guess she's artista gandang ganda niya teh!" Chika sakin ni Claire sabay nagsip ng iced coffee

Sabay inangat yun ulo ko at kumunot noo ko sa sinabi niya. Huh? Bagong cabin crew? Artista? "Sino yun?" Pagtatakang tanong ko

"Hindi ko sure gurl, rinig rinig ko lang" she shrugged

Ah baka hindi true yun. Ito pa naman si Claire isa siya sa mga friend ko sa airline na chismis is life in other word mahilig siya makinig sa mga chika chika na hindi naman sure kung true. Kapag narinig niya yun siguradong walang preno sa bibig niya na ikwento yun.

Tumayo ako para istretch yun katawan ko para magising naman yun diwa ko. After nun sabay nagtimpla ako ng coffee sa mini kitchen para magising ako kahit papano.

"Guys may bago tayong cabin crew na kakapasok lang sa airline natin... Makakalipad nga natin siya today" anunsiyo ni Hanz nang magsama sama kami sa headquarter dahil pa boarding na

Pumasok ang isang babae na galing sa pintuan papunta samin. Kasing height ko siya. Maputi at makinis ang kanyang balat. Pointed nose. Chinita. Short hair. Artistahin nga pero hindi naman siya artista. Nastatwa ako bigla sa kinatayuan nang simula na pumasok siya dito. Bigla niya ako tinignan then nakangiti siya sakin. Bigla ako kinutob sa iniisip ko. Sana hindi totoo yun iniisip ko.



"Meet Tiffy Asuncion" pagkilala ni Hanz samin

"Hi I'm Tiffy nice to meet you all" pagkilala niya

Isa isa niya kami binati hanggang sa ako ang huling binati niya. She looked straight forward at me with smile. Hindi ko ba alam kung totoo yun ngiti niya or kaplastikan lang yun ngiti niya. I smiled her back para hindi ko naman bastusin. I respect whatever happens. Pero ang pinagtataka ko lang bat ganyan siya sakin? Eh una namin pagkikita ngayon.


Aviation Avenue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon