Ang Lalaki Sa Bintana

7.1K 111 70
                                    

Loop Kenon

Luis POV

Pasukan na naman at unang taon ko sa kolehiyo, halo halong emosyon ang nararamdaman ko. May lungkot, dahil sa unang pagkakataon ay mahihiwalay ako sa pamilya ko. Doon kasi ako sa kabilang bayan mag aaral at kailangan ko mag bed space pansamantala. Nandiyan din ang takot, dahil sabi nila mas mahihigpit na mga guro at mas mahihirap na ang mga pag aaralan. Pero hindi mawawala ang labis na saya at excitement dahil sa bagong paaralan, mga bagong kaklase't kaibigan at higit sa lahat sa mga bagong karanasan na naghihintay sa akin.

Ako nga pala si Luis, labing pitong (17) taong gulang, 5'5 lang ang height at katamtaman ang pangangatawan. Sabi nila may itsura daw ako at madalas sinasabi ng mga nakakatanda sa lugar namin kamukha ko daw si Richard Gomez noong kabataan niya (uy! sila ang may sabi nun, hindi ako :). Alam ko, sa sarili ko na malambot ako at nagkakagusto sa kapwa ko lalaki pero kailangan ko itong itago at pagtakpan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga girlfriend noong nasa high school pa ako. Siguro, para iwas sa kahihiyan at ng hindi mapag-usapan ng ibang tao. Salamat nalang at nasa college na ako, ngayon nagkaroon ako ng dahilan para itigil na ang mga kalokohan tungkol girlfriend na yan. Panahon na para magpakatotoo at palayain ang sarili. Pero wala pa naman sa isip ko na mag boyfriend agad, sabi ko kailangan ko muna makapagtapos ng pag aaral para matanggap nila ako kung sakaling malaman nila ang katotohanan. Pero sa ngayon explore explore muna sa bagong mundong papasukan.

Lunes na ang pasukan, sabado kailangan ng lumuwas papuntang boarding house. Marami pa kasing dapat ayusin sa bago kong titirhan. Halos gabi na ng makarating ako. Sinulit ko pa kasi ang mga natitirang oras para makasama ang pamilya bago ako tuluyan humiwalay ng tirahan.

Isang lumang bahay na may dalawang palapag na ginawang boarding house/bed spacer ang pansamantala kong magiging bahay habang nag aaral ako. Nasa gilid lang ito ng kalsada at kapansin pansin na halos tabi tabi at magkakaharap lamang ang mga boarding house dito. Puro nga pala lalaki ang makakasama ko sa bahay at talagang exciting ito, baka dito ko makilala ang 1st boyfriend ko...joke lang...... Si Tita Elsa ang may ari ng paupahan na ito, isang matandang dalaga, mukhang napaka sungit sa unang tingin pero ang totoo ubod pala ng bait ang taong ito.

Dahil gabi na nga ako nakarating pansin ko mula sa labas ang dami ng tao sa ikalawang palapag ng bahay, halos lahat ng nangungupahang estudyante ay naroon na yata at abala sa pag aayos ng kanilang mga gamit. Dahil hindi ko pa alam kung saang silid ako matutulog. Pumunta muna ako sa bahay ni Tita Elsa sa may likuran bahagi ng boarding house, buti nalang at gising pa siya at talagang hinihintay ako.

Tok...tok...tok... "Tao po... Magandang Gabi po, Tita... gising pa po kayo? Si Luis po ito"....

Maya maya bumukas ang pintuan....

"Ikaw pala yan Anak...mukhang natagalan ka sa byahe ha?"

"Hindi naman po Tita, late lang nakaluwas at nag enjoy lang sa last bonding kasama ang pamilya"

"Ganun ba? Ano pa't masasanay karin na hindi mo na sila kasama.... Halika at akyat tayo para makita mo ang kwarto kung saan ka matutulog at makilala narin ang mga makakasama mo"

"Sige po...pasensya na po pala sa abala Tita at naistorbo ko pa yata kayo"

"Ano ka bang bata ka....walang istorbo pagdating sa mga boarders ko, lahat kayo ay tinuturing kong mga anak..puro nga lang lalaki at mukhang napadami..." sabay tawa na malakas.

"Sandali nga lang at mauna ka muna sa itaas, isasara ko lang iyong gate at may kukunin lang din ako sa bahay nakalimutan ko ung mga papel na kailangan kong ibigay sa inyong lahat"

"Sige po Tita....antayin ko nalang po kayo doon....

Pagdating sa taas....nagulat ako sa aking nakita....

Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon