Gilbert POV
Bakit ba inis na inis ako pagnakikita ko silang magkasama ng girlfriend niya? Kahit anong pigil, hindi mawala sa isip ko ang inggit kay Janet at minahal siya ni Francis. Oo bakla ako..... at matagal ko ng gusto ang bestfriend ko. Kailangan ko lang ilihim ang nararamdaman ko at baka bigla lumayo si Francis sa buhay ko.
Highschool palang kami labis labis na ang paghanga ko kay Francis. Hindi lang dahil gwapo ito, kundi may tinatago din itong kabaitan at gaya ko, mahal na mahal din nito ang nanay niya. Taon din ang hinintay ko bago kami naging ganito kalapit sa isa't isa kaya hindi talaga ako papayag na lumayo ang loob niya.
Lahat siguro kaya kong gawin para sa bestfriend ko. Kung bakit ba kasi hindi pwedeng magmahalan ang parehas na lalaki. Ganunpaman handan naman akong iparamdam kay Francis ang pagmamahal ko sa sarili kong pamamaraan. Tanggapin man niya ako o hindi walang magbabago sa nararamdaman ko.
Hindi naman ako umaasa na mahalin niya, sapat na iyon nararamdaman kong nandiyan palagi siya. Masaya na akong nakikita ko siyang masaya kahit nasasaktan ako pag may kasama siyang iba. Ganun daw talaga pag nagmamahal lahat handang isakripisyo kahit sarili mong kaligayahan.
......ding! dong! (tunog ng doorbell)
"Mommy......nandito na po ako"
"Anak.....nandito ako sa kusina at naghahanda ng hapunan, punta ka dito"
"Good Evening Mommy....I love you" sabay halik sa pisngi niya.
"Si Daddy, tumawag na?" tanong ko
"Oo, anak....matagal kami nagkausap kanina at wala yata siyang pasok, tawag daw siya ulit this weekend para siguradong magkakausap kayo"
"Sige..... sobrang miss ko na si Daddy"
Halos tatlong taon na naming hindi nakakasama si Daddy. Nasa USA kasi siya nagtatrabaho, doctor pala ang daddy.....Neurologist. Kailangan niyang mag stay sa America ng 3 taon o higit ng walang uwian para makakuha siya green card at doon palang magsisimula ma-proseso ang petition namin ni Mommy. Medyo matagal pa ang aming antayanin para tuluyang magkasama sana muli, pero this summer magbabakasyon kami doon at na approved na ang tourist visa namin ni Mommy.
"Bakit ang aga mo yata ngayon anak, wala kayong lakad ni Francis?" biglang tanong ni Mommy...
"Wala Mommy..... dumating kasi ang girlfriend niya, at alam mo naman si Francis pagdating sa babae, biglang nag iiba"
"Ang mga kabataan nga naman ngayon... ibang iba na, kaya maraming ang nabubuntis dahil masyadong mapupusok at nagmamadali"
"Mabait at responsableng tao naman si Francis. Si Janet lang talaga iyong masyadong malandi at dikit ng dikit kay bestfriend. Syempre, ang lalaki madaling matukso kaya ang Francis bumibigay na agad"
"Anak, mukhang kailangan talaga ni Francis ng isang gaya mo sa buhay niya. Buti nalang at naging magkaibigan na kayo"
"Oo nga eh, kaya nga minsan Mommy, gumagawa na talaga ako ng paraan na hindi masyadong magsama ang mag jowa na iyon at malamang sa kama na naman ang punta nila kapag nagkataon"
"Invite mo lagi si Francis dito sa bahay, tapos ako naman bahala sa Mama niya.. "
"Ganyan na nga talaga plano ko Mommy, kaya asahan nyo na po, mapapadalas ang punta at overnight ni Francis dito"
"Ok lang Anak.... Kahit araw araw pa... hindi ka naman mabubuntis kaya walang magiging problema"
"Ha! Anong sabi nyo po Mommy?... ang ibig kong sabihin Anak, hindi ka naman babae kaya walang problema. Parehas kayong lalaki kaya ayos na magkasama kayo sa iisang kwarto"
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Bintana (boyXboy) ongoing....
RomanceMulto ng nakaraan dala ay pag-ibig na pangkasalukuyan.......